Pumasok ako na magaan ang dibdib iniwan ko si Sumi sa isang petshop sa tabi lang ng apartment ko dahil wala pa si manang. Mababait naman ang mga staff doon na tuwang-tuwa sa alaga ko kaya panatag ako. Nag-text si Megan na hinahanap ako kaya sabi ko dito ay malapit na ako sa school. Pagkababa ko ng kotse ay nakita ko na agad ito na agad akong nilapitan habang nakangiti, nagpasalamat na ako sa driver ko at umalis na ito. “Wow! May driver ka talaga.“ Sabi ni Megan na binati agad ako ng good morning kaya napangiti na lang ako. Magkahawak kamay na kaming pumasok ng campus at huminga muna ako ng maluwag saka napangiti. Tatlong araw mula nang umalis si kuya ay ramdam ko na ang pangungulila rito kahit naman na gabi-gabi kaming magkausap sa facetime. Pero dahil nandito lagi sa tabi ko si Meg

