Napahilot ako ng sentido ko matapos ang ilang oras na meeting parang gusto kong mahiga agad at matulog na lang kahit maghapon pa. Napatingin ako sa kakambal ko na halata rin ang pagod kaya kinuha ko na lang ang binigay niyang isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. "They want the company Silver that's funny coming from the adopted who has nothing to do with the inheritance." Natatawa na turan ni Gray habang magkatabi kaming nakasalampak ng upo dito sa sahig at nakasandal ako sa pader. “Hindi naman nila makukuha, legal and binding ang iniwan na kasulatan nina lolo.“ Sabi ko habang nagbubuga ng usok mula sa sigarilyo. May isang mukha na pilit na umuukilkil sa isip ko at mukha ito ng pinakamamahal kong babae. Pinikit ko saglit ang mga mata ko at muli akong napadilat. Nakakalungkot n

