Nagising ako na yakap na ni Silver at tulog ito pero tila ba takot na bitiwan ako dahil sa mahigpit nitong yakap. Gabi na pala at alas-syete na kaya pinilit ko na makawala kay Silver. Ilang ulit ko rin talagang sinubukan na makawala sa kanya at sa wakas nakawala rin ako dito. Akala ko ay magigising ito dahil nagsalita ito at tinawag ang pangalan ko pero nakatulog rin ito ulit. Pumasok ako ng banyo para maghilamos, medyo namamaga pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina kaya dahan-dahan kong minasahe ang mukha ko. Namumula rin ang mukha ko dahil sa pag-iyak ko kaya napahinga ako ng maluwag at napatitig ng mabuti sa salamin. Inayos ko na ang sarili ko at bumalik sa kama at saka ako naglagay ng lip balm sa labi ko para hindi mahalata ang pamumutla nito. Pinusod ko na rin ang buh

