Isang linggo matapos ang pagkawala ng lolo at lola ko ay bumalik sa normal ang lahat. Pero hindi kay mommy at daddy na lagi ng abala sa trabaho dahil nadagdagan na naman ang gawain nila. Kahit sina Kuya Silver at Kuya Gray ay ganun rin, dagdag pa ang mga tao na laging nakaabang ng balita sa pamilya namin. Ganun pa rin ang routine ko sa araw-araw, pwera lang sa dalawa kong kaibigan o dating kaibigan na hindi ko na kinakausap pa. Lagi na lang akong mag-isa at usapan pa rin ako sa buong campus na hindi ko naman pinapansin. Palabas na ako ng library ng makita ko si Caroline na makakasalubong ko kaya tumuloy lang ako sa paglalakad. "Hyacinth pwede ba tayong mag-usap?" Napatigil ako at napatingin sa kanya kaya tumango ako. Nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad ako papunta sa garde

