Tumigil ang ulan at malakas na hangin pero kitang-kita ko kung anong ginawang pinsala ng bagyo sa mga bahay, halos kahoy na lamang ang natitira at wala na itong mga bubong. Panibagong dagok at pagsubok na naman ang nararanasan ng mga kababayan ko. "Diyos ko po ang bahay natin. Paano na tayo nito?" bulalas ni Lola Beth. Halos ubusin ng bagyo ang bubong ng bahay ni lola. Mabuti na lamang at bago kami umalis ni Amie rito ay inayos naming lahat ang mga gamit upang hindi mabasa ng malakas ng ulan. "Wala na tayong bahay," wika ulit ng lola ko at halos maluha ito. "Mapapaayos din natin ang bahay lola ang mahalaga ay ligtas kayo ni Amie," wika ko. "Paano pa natin mapapaayos, eh, wala tayong pera," wika ni Lola. "Huwag po kayong mag-alala ako ng bahala sa lahat," wika ko upang hindi na mag-

