This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses,Places,Events and Incidents are either products of the Author's imagination or used in a Fictitious manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental.PLAGIARISM IS A CRIME!
—
*
"No Kris! No Kris!" sigaw ng isang babae habang hawak-hawak ang PT.
Nanginginig ang kamay na pinagmasdan ang resulta ng huling PT na hawak niya. Dalawang guhit pa rin ang lumabas dito."Hindi ako pwedeng mabuntis, Kris!" hagulgol ng dalaga.
"B-Babe pananagutan naman—"
"Wala akong pake kung pananagutan mo ako o Hindi! Sinira mo pangarap ko!"
Pilit siyang hinahawakan ng binata ngunit umiiwas siya rito.
Katahimikan ang bumalot sa buong banyo. Nasa bahay sila ng binata at wala ang mga magulang nito.
Sampung minuto ang nakalipas ng magsalita ang dalaga. Humupa na rin ang kanyang luha.
"Ipapalaglag ko 'tong bata habang maaga pa.." anang nito ng walang emosyon sa mukha.
Gulat na napalingon sakanya ang binata na halatang hindi nagustuhan ang sinabi nito.
"What? Are you crazy? Masama ang pumatay ng bata, Anica!"
"Dahil 'yon na lang ang paraan, Kris! Eighteen years old palang ako at marami pa akong pangarap.. Ayokong maging batang ina!" sigaw nito.
"Hindi pwede 'yang gagawin mo sa'kin!" sigaw niya pabalik dito, nagitla ang dalaga dahil kahit kailan ay hindi siya sinigawan nito, "Ako magsasabi sa parents mo ang nangyari, kung ayaw mong maging ina niya pwes ipanganak mo nalang siya at ako ang magtataguyod sakanya!"
Pareho silang 18 years old. Anica wants to become a Model, mero'n na siyang offer from U.S after ng High school niya dito sa pilipinas ay doon na siya mag aaral ng kolehiyo para tuparin ang kanyang pangarap.
Kagaya ng sinabi ni Kris kay Anica ay siya ang nagsabi sa mga magulang ng dalaga. Nagalit ang mga magulang nito ngunit ng malaman ang kondisyonis ng binata ay pumayag na rin ang mga ito na ipagbuntis ni Anica ang bata dahil kagaya ng naisip ng dalaga na ipalaglag ay gano'n din ang gustong gawin ng mga magulang.
Si Kris na rin ang nagsabi sakanyang mga magulang. Nagalit sila ngunit nanaiig ang pagkamangha sa binata dahil sa murang edad nito ay gusto na niyang magkaroon ng reponsibilidad.
9 months after..
"Salamat, Anica." maluha-luhang sabi ng binata sa dalaga.
Nakahiga ang dalaga sa hospital bed, gabi kasi ng pumutok ang kanyang panubigan kaya sinugod na agad siya sa hospital.
"Hmm.. N-Next week tutulak na kami ng America, doon na kami titira."
Nagulat ang binata sa sinabi ng dalaga. Akala niya ay magbabago ang isip pag mapanganak na ang bata ngunit nagkamali ito.
Gusto man niyang pigilan ito pero ayaw niya rin maging hadlang sa kanyang pangarap maging isang modelo.
Hindi na siya nagsalita dahil wala rin naman magagawa ang kanyang sasabihin.
*tok*tok*
Napalingon sila sa pinto ng pumasok ang nakangiting magulang ni Kris at nurse na bitbit ang sangol.
"Ang ganda ng apo natin, hon.." anang ng matandang babae.
Nanginginig ang kamay na inabot at kinarga ang sangol. Lumandas ang luha ng masilayan ang anak.
"B-Baby.." tawag nito.
Nakangiting pinagmasdan ng matatanda ang kanilang binata.
"Ano ang ipapangalan mo sakanya nak?" tanong ni Mrs. Benedicto.
"Lovely Joice.." ---