Chapter Nine

2361 Words

"SEE YOU next week, class dismiss!" Nakapalumbaba lang ako habang ang mga classmate ko hindi magkadaugaga sa pagliligpit ng gamit nila. Tinatamad akong gumalaw.. wala 'yong energy ko. It's been one week since no'ng huli kong makita 'yong ninong kong gwapo! Wala akong naririnig na balita about sa kanya kay Daddy at pati na rin kela tito Bal. "Huy! Ano? Walang balak umuwi?" Pukaw ni Mich sa 'kin. Hindi ko siya sinagot at nagbuntong hininga nalang ako tsaka walang ganang inayos ang gamit ko. "Aysus! Bakit kaya walang gana 'to? Mag-iisang linggo ng ganyan 'to.." Lexis said. Pa'no ba ako gaganahan eh, hindi ko nga nakikita 'yong taong inspirasyon ko ngayon! "Hindi ka naman mukhang namumutla kung may sakit ka.. mukha ka lang talagang tinatamad.." Miyuki said at muling kinapa ang noo ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD