"Bakit parang ang ganda naman ng ngiti ng anak ko? Mukhang masaya ka yata." napalingon naman si Lyza sa ina habang pine-prepare niya ang pagkain nito. "Wala po, may na alala lang po ako Ma." tipid na sagot niya pero ang totoo natatawa talaga siya dahil kagabi balak na ni Jared na maka score sana kaso nakita nila may dugo sa panty niya na halos masuka-suka naman si Jared na hindi malaman kung madidiri o matatakot. Niready na niya ang puso't isipan na niya na kailangan na talaga niyang isuko ang bataan rito at wala na siyang choice. Inisip na lang niya ang 2.9M na derektang isend sa kanya ni Jared after ng photoshot nila. Iba talaga ang mayayaman na billionaryo. Akala mo 2,900 lang ibinigay sa kanya na simpleng-simple lang na pinakawalan ni Jared para lang sa isang photoshoot ng isang int

