Isa-isang nilibot ni Lyza ang mga kuwarto ng dating mansion ng mga Enriquez, tama si Jared wala naman binagong masyado sa lumang mansion nabago lang ang interior at kulay ng bawat bahagi ng bahay. Hindi mo na makikita ang dating patay ang kulay na mga pintura. Bukod dun talagang parang nilagyan pa ng art ang bawat ding-ding ng mga kuwarto kaya naging makulay at maganda talaga. Hindi basta isang kulay lang makulay at buhay na buhay. Napahinto si Lyza sa isang kuwarto na binuksan niya iyon ang dati niyang kuwarto sa loob ng mansion na saksi sa mga malulungkot na bahagi ng buhay niya mula pagkabata hanggang sa lumaki. Binigyan siya ng sarili niyang kuwarto sa mansion pero hindi siya binigyan ng karapatan na maging miyembro ng family Enriquez. Isang excess baggage lang ang tur

