Medyo nagulat at namangha sila Melinda at Amadeo ng makatanggap ng isang exclusive invitation galing kay Jared La Huerta sa isang private meeting sa isang five-star hotel. Umaasa sila ng magandang balita na mag-aahon sa mga negosyo nilang na lulugi na at kailangan ng malaking kapital para makabangon. At iyon ang ipanangako ng matandang La Huerta kung papayag silang ipakasal ang anak rito. Akala nila wala ng pag-asa na matulungan sila nito dahil hindi naman ito ang talagang kausap nila, tapos hindi pa nila ma contact ang anak na si Melissa pero may nakapag sabi na nakita ito sa Valenzuela kasama ng nobyo nito. Buong pag-asa nila sasalubungin sila ng mainit na pag tanggap ng bilyonaryong son-in-law ng dumating sila sa tama sa oras. Ngunit hindi pa talaga nila kilala ang batang La Huerta

