Gusto maiyak at atakihin na lang sa puso ni Lyza habang sakay ng kotse nila at mag-isa lang siya sa likod. Nasa unahan ang ama at ang tita Melinda niya na kampante lang at mukha naman masaya habang siya naman ay hindi na mapakali at gusto na lang umiyak saka tumakbo, ganito siguro ang pakiramdam ng mga runaway bride.
"Anak, pull yourself together 3 months lang naman ito hmmm... malaking tulong sa akin itong ginawa mo at natitiyak ko na ito na rin ang way para maging____."
"Kung 3 months lang naman bakit hinayaan n'yo si Ate na makaalis. Asan na siya ngayon?" tanong pa niya sa dalawa.
"Hahanapin namin siya wag kang mag-alala, pag nakita nanamin siya magpapalit din kayo ng ate mo." wika pa ng Tita Melinda niya.
"Okay, chill, pity wedding lang 'to. Tatlong buwan lang naman. Gagawin ko 'to para sa Mama ko para sa—" hindi natapos ni Lyza ang sasabihin ng mapatingin sa bintana at may kumatok na para utusan na bumaba na daw sila dahil wala daw mahabang oras ang groom niya para mag-intay.
"This isn’t my wedding. This isn’t my gown. This isn’t my love story. This is just a deal. Three months, three months of pretending to be my sister so she won’t ruin the Enriquez name. And I’m marrying a man na... hindi ko pa nakikita. Basta sabi nila Tumulong ka na lang, Lyza. Think of it as your ultimate act of kindness." bulong pa ni Lyza sa sarili habang iniintay na bumukas ang pinto ng simbahan. Pakiramdam ni Lyza nanigas siya ng marinig ang wedding march sa loob ng simbahan pag lingon niya nakita niya na may 4 na lalaking nakabantay dun na mukhang mga hindi papahuli ng buhay. Pinabantayan ba siya ng Papa niya para hindi siya makatakbo. Huminga ng malalim si Lyza saka pumikit bago nanalangin sandali.
"Kaya mo to, konting tiis lang, hindi mo naman siya kailangan mahalin. Aalagaan mo lang pasayahin mo ng konti at tapos, makakalaya ka rin." kausap pa niya sa sarili para bawasan ang kabang pumupuno sa dibdib niya. Kaya ng bumukas ang pinto ng simbahan muli na siyang huminga ng malalim. Mas lalo lang siyang nalungkot ng makita ang loob ng simbahan na wala man lang decorate na bulaklak kahit isa. Pinag suot pa siya ng wedding gown tapos ni wala manlang kahit konting bulaklak sa simbahan. Ni wala din bisita. Kundi parents niya at ilang tao na mukhang witness lang ng kasal saka pari at dalawang sakristan na nasa unahan.
Napatingin siya sa mga ama at ina na halatang hindi mapakali at nag bubulungan na parang nag-aaway na hindi niya maintindihan. Pilit niyang tinanaw ang groom niya pero wala siyang makitang lalaking naka wheelchair pero nakikita niya ang dalawang lalaki sa unahan na nakatalikod sa gawi niya. Hindi na binagalan ni Lyza ang paglakad dahil ano pang saysay ng mabagal na pag lakad wala naman photographer na kukuha ng picture niya saka hindi din naman maganda ang wedding gown niya. Ang bouquet niya ay simpleng lily lang din. Pag dating sa harapan ng altar saglit siyang huminto sa likod ng groom niya at huminga ng malalim saka yumuko. Nakita niya ang pag ikot nito napatingin siya sa leather shoes nito saglit muna siyang pumikit saka tuluyan ng itinaas ang paningin para lang magulat sa nakikita ng mata niya.
"What the hell___." bulong ni Lyza sabay lingon sa papa niya at Tita Melinda niya na halatang unease din na nakatingin sa groom niya na muli niyang tiningnan. Saan banda yung sinasabi ng mga itong pangit at may taning na ang buhay. The man standing at the altar is a man in a tailored suit. Is a jaw-dropping handsome, tall, sharp jawline, tanned skin, killer stare at hindi mukhang may sakit kundi mukhang makakasakit ng damdamin. In a good way or a bad way, basta delikado siya sa mga titig nito.
"He's not a dying groom, he's a breathing sin, he's not charity but he's a temptation in white tuxedo." sigaw sa isip ni Lyza habang bumibilis ang t***k ng puso niya.
"So, this is what desperation looks like." wika ng groom niya na gustong ikaawang ng labi ni Lyza, pati boses nito maganda din. Muling napatingin siya sa ama na parang nag tatanong ng "Is that… him? Siya ba 'yung groom?"
"You're not what I expected but I'm not sending you back either." ngisi nito, hindi ito ang eksaktong lalaki na sinasabi ng Papa niya na papakasalan niya. Mukhang siya ang mamatay sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya sa paraan ng pagkatitig nito sa kanya. Pakiramdam niya aatakihin siya sa puso.
"What the hell is happening? He was supposed to be sick. He was supposed to be dying, he was supposed to be easy to love…because I was supposed to pity him. But this man…This man will break me easily." bulong pa ni Lyza sa isipan niya sabay napatingin siya sa braso nitong iniumang sa kanya. Napalunok naman siya na tumaas ang kamay at humawak sa braso nito saka sila nag tungo sa harap ng pari.
"You can still run, you know. I won't chase. But if you walk with me now... You’re mine." bulong pa ni Jared habang nasa harapan na sila ng pari.
"What’s your condition nga ulit?" alanganin na tanong ni Lyza.
"Too hot to fake. Too real to escape." sagot ni Jared na nilingon ang bride na parang anytime soon mag cocollapse na sa sobrang gulat dahil marahil ang alam nito ang papa niya ang pakakasalan nito at hindi siya. At natutuwa siya sa nakikitang reaction sa mukha nito, parang ang exciting sindaking nito. Kanina lang para itong pinag bagsakan ng langit at lupa pero ngayon halatang kabado na at naka ilang lingon sa parents nito na parang nahingi ng saklolo o sagot kung bakit hindi ang groom na mamatay na ang dadating.
-
-
***************
-
-
"Do you, Jared La Huerta, take this woman, Melissa Enriquez… to be your lawfully wedded wife—" nahinto naman sa pag sasalita ang pari ng biglang mag taas ng kamay si Jared na parang studyante na parang may gustong sabihin.
"Can I say something first?" tanong ni Jared sa pari na alanganin naman na tumango at nag hintay ng sasabihin ganun din si Lyza na habang patagal ng patagal silang magkaharap ng lalaking ito patindi ng patindi ang kabang nararamdaman niya. Lalo pa ngayon na nakatitig ito sa kanya na may ngiting nakakaloko sa labi.
"Before I say yes, I just want to clear something up..." yumuko ito at itinapat ang bibig sa may tenga niya na nag hatid ng bahagyang kilabot sa buong katawan niya na gusto sana niyang umatras pero mabilis siya nitong napigilan.
"I don't know why but I felt you’re not her." bulong nito na ikinalunok niya ng husto at bahagyang nanigas.
"The moment you stepped into this church, pakiramdam ko hindi ikaw ‘yung babaeng kailangan kong pa kasalan." wika nito habang naka taas ng bahagya ang sulok ng labi nito.
"Then… bakit hindi ka na lang tumutol sa kasal na to?" lakas loob na sagot niya ng pabulong.
"Because maybe… I like this twist better." sagot ito sabay layo muli ng bahagya sa kanya. Muli napalingon si Lyza sa papa niya at sa Tita niya. Anong gulo ba itong pinapasok sa kanya ng dalawang taong ito na pinag katiwalaan niya. Hindi kaya ma salvage siya at makita na lang ang katawan niyang naka silid sa maleta na inaanod sa ilog pasig.
"Ah… Shall we proceed?" tanong ng parim ngumiti naman si Jared na tumango.
"Yes, I do. I take her. Willingly without a doubt." then he turns back to Lyza na bahagyan pang yuko ng konti at tumitig sa bride niya.
"And I’m not the man they warned you about," wika ni Jared sabay kindat, pakiramdam ni Lyza nagkakaroon na siyang ng massive heart palpitation dahil sa lalaking ito.
"And you, Melissa Enriquez... Do you take Jared La Huerta to be your lawfully wedded husband?" tanong naman ng pari sa kanya, hindi agad siya naka sagot parang naninigas ang dila niya sa sobrang kaba. Nanlalamig ang mga kamay niya at namamawis na.
This isn’t the plan, this isn’t the script but this man is staring at her like he already owns her next breath. He knows how to tease — yet chose not to stop the wedding. He wants her obviously and worse… she’s starting to want him, too.
"I do…" sagot ni Lyza after din ng ilang minutong pagkakatitig sa lalaking kaharap na mala greek god ang kaguwapuhan. He smiled na para bang nagtagumpay ito sa isang labanan na hindi niya alam kung ano.
"Then, by the power vested in me… I now pronounce you husband and wife. You may now—" bago pa natapos ng pari ang sasabihin na gulat na lang si Lyza ng sapuhin na ni Jared ang dalawang pisngi niya saka ito mabilis na yumuko at siniil siya ng mariin na halik sa labi na ilang segundo din nag taggal.
"Don't faint." wika pa nito ng maghiwalay ang labi nila. Nanlalaki naman ang mata ni Lyza ganun din ang bibig sa sobrang shock sa bilis ng pangyayari.
"Don't kiss me like it means something." ngumisi naman si Jared na imbis na umatras dahil sa sinabi niya mas lumapit pa ito at pumulupot ang isang braso sa bewang niya sabay kinintal ng dalawang beses na magaan na halik sa labi niya. Pakiramdam ni Lyza galing siya sa marathon, feeling niya hindi na lang siya proxy ng ate niya ngayon pakiramdam niya totoo na ang lahat. Parang gusto na niyang totohanin ang lahat.
"This was supposed to be fake…" bulong ni Lyza sa isipan niya para siyang nasa cloud 9 dahil sa nararamdaman niya sa mga oras na yun.
-
-
-
-
-
-
-
-
FLASHBACK
"Sir, confirm na po. The eldest Enriquez daughter—Melissa—boarded a flight to Milan two hours ago. Business class. Solo." report ng assistant niya para alamin kung nasaan ang magiging bride niya para bukas dahil malakas ang kutob niya na tatakbo nanaman ang bride ng ama niya at hindi nga siya nag kamali ng hinala.
"…She ran."
"Yes, sir. Left behind her gown, her vows, her family. Tahimik lang ang pag-alis." ngumisi lang si Jared dahil hindi na talaga siya nagulat.
"Hmmmm. Brave girl."
"But here's where it gets interesting… The younger sister—Lyza—was seen entering the Enriquez compound earlier. In the middle of all the chaos." wika pa ng assistant niya na medyo ikinataas ng kilay niya. Hindi niya alam na may isa pang anak na babae ang mga Enriquez sa files na nabasa niya iisa lang ang anak na babae ni Amadeo Enriquez.
"And?"
"She was brought straight to the bridal suite. Security closed off all exits. Makeup artists, stylists… lahat naka-deploy ngayon sa kanya. Not Melissa." napatango naman si Jared saka bahagyang tumawa.
"So they’re repackaging the spare."
"Yes, sir. Mukhang desperate move. Damage control." tumango naman si Jared saka curious na nag tanong.
"She agreed to marry me?"
"Apparently, under pressure. They overheard her say, and I ‘Tatayo lang ako sa altar, magpapakasal lang hindi ko kailangang mahalin ang lalaki, aalagaan ko lang?" tumaas naman ang kilay ni Jared.
“Well! That’s flattering." tumayo si Jared at nag tungo sa mini bar at nagsalin ng alak sa baso bago ininom iyon ng paunti-unti.
"Send me everything we have on Lyza Enriquez. Her records, habits, academic background. Anything that tells me who she is." utos ni Jared sa assistant niya.
"Already compiling it, sir. Shall I inform the Enriquez family we know?" tanong pa ng assistant niya.
"Oh No. Let them sweat." ngisi pa ni Jared.
"So… we proceed with the wedding?"
"Yes." muling bumalik sa upuan si Jared saka sumandal roon habang iniinom ang alak sa baso ng paunti-unti.
"This just got interesting." sagot lang niya saka nag paalam na sa assistant niya habang nakatingin sa kisame ng office niya habang iniimagine na niya ang possibleng mangyari bukas sa kasal niya pag nakita siya ng bago niyang bride.
"Melissa may have been the deal… but I have a feeling Lyza is the real challenge." usal ni Jared na napangiti na lang, wala pa siyang idea kung anong hitsura ni Lyza. Minuto lang tumunog ang cellphone niya at pumasok na ang larawan ng babaeng magiging bago niyang bride.
"Hello there, my lovely, cute bride." usal ni Jared habang nakatingin sa mukha ng batang Enriquez.