CHAPTER 10

525 Words
CHESCA POV ---Break time Naka simangot akong naka sunod kina Ashley palabas ng room papunta sa cafeteria. Bukod sa hindi ko alam ang daan papunta doon ay dahil sa mga estudyanteng hindi ko alam kung bakit pasulyap- sulyap sila sakin. Pagka tapos sumulyap ay magbubulungan Like WTF! Anong problema nila? "Grabe anlaki ng cafeteria nila" di ko namalayan na naka rating na pala kami Dalawang malalaking cafeteria ang andito para sa junior at senior high, sa tabi naman nya ay para sa mga college. Malinis tignan ang bawat anggulo at dahil glass wall ito ay kitang kita ko sa loob ang mga kumakain Kung gaano kalinis tignan sa labas ay yon naman ang kagulo sa loob. Hindi ko alam pero magulo para sakin ang itsura sa loob, bawat grupo ang mga naka upo at animoy may sariling mundo May naggu- guitar habang kumakain, may humahalakhak naman, may tahimik na grupo at di maiiwasan ang mga nerds, may nagbabatuhan din ng pagkain at may kumukuha ng letrato na animo'y photographer Pero kahit na ganon ay kitang kita mo sa kanila na hindi sila basta bastang estudyante. They screams all powers and rich, from little accessories to everything Halatang halata din ang mga spoiled brats at maaarte dito Pumasok kami sa loob at agad kaming naka hanap ng pwesto "Ako na ang oorder" prisinta ni Ashley, tumango kami Habang hinihintay ang order ay ayan na naman ang kinaiinisan kong bulungan at sulyap nila sakin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang sinusulyapan nila o kaming lahat "OWEMJI! RAGE IS HEREEE!" Nagulat ako dahil sa biglaang sigaw ng babae na parang nakakita ng artista "OWEMJI! THEY'RE HEADING HERE!" sigaw ulit ng babae kaya lahat ng attention ng nandito sa loob ay napunta sa labas Nasa pinaka dulo kami malapit sa counter kaya nahihirapan kaming makita "Sino ang putang/inang sumigaw kanina? Ang lakas ng boses. Alam nyo bang muntik ng mahulog ang hawak kong tray dahil sa tili nya, kala ko naman may sumabog" inis na reklamo ni Ashley habang inilalapag sa table ang mga inorder nya "Ewan, Rage daw e. Sino ba yon?" Sahara "WAHHHH! KAISER!" "I LOVE YOU DWAYNE!" "MARRY ME GRAY!" "KYAHHH! TRAVIS LOOK AT ME!" "I LOVE YOU GUYSSS!" Sunod sunod na tili ng mga babae na halos ikasira ng eardrums ko "Nyeta!" mura ni Winter Hindi pa humuhupa ang tilian ay muli na namang nag ingay ang paligid. Tumingin kami sa pinto ng cafeteria at bumungad doon ang limang lalaki They all look dominant and intimidating "Sila ung tinitilian?" di maka paniwalang tanong ni Ashley "No wonder! Ang gwapo nga!" "Nyet/a! pati ba naman ikaw" Syrah "Papunta sila dito" saad ni Ashley at di nga sya nagkaka mali. Mula sa bawat lakad nila ay may tumitili, may kumukuha ng letrato at nagpapa- pansin Naupo sila sa tabi namin malapit sa bintana kaya halos lumuwa ang mata ni Ashley "Sana ganyan ka- gwapo ang mga boys sa underground no?" bulong ni Ashley Umirap ako at saktong pag tingin ko sa gawi nila ay nag tama ang tingin namin ng isang nasa pinaka gitna, naka upo na parang Hari at kami naman ang nasasakupan "Tss"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD