Chesca POV
"Deretso ba tayo sa hide out mamaya o dadaan muna tayo sa underground?" tanong ni Winter habang kumakain kami
"Kung nangangati na yang kamay mo sa suntukan mag isa kang pumunta don" tanong ko dahil tinatamad talaga akong pumunta
"I can't go. I need to finish something" agad na sabi ni Sahara bago pa makapag tanong si Winter sa kanya
"Ako, gusto kong makipag racing mamaya. Samahan mo ko tapos sasamahan kita mamaya sa underground" umirap si Winter sa suhestiyon ni Ashley
"Tss, matutulog na lang ako mamaya" si Syrah
"Hey! Chelsea!" hindi ko alam kung tama ang narinig ko pero ipinag sawalang bahala ko lang
"Chelsea!" ulit na naman
"Dinig mo yon?" tanong ni Syrah sakin "Pangalan ng isa sa mga kapatid mo yon di ba?" kahit na hindi pa nakikita nina Syrah ang tatlo ng personal ay kilalang kilala na nila ito dahil minsan ko ng na- kwento noong lasing ako
"Huh? Saan? Nandito kaya sila?" napa lingo lingon si Ashley sa paligid
"Hey! Alexandra Chelsea Crawford!" tawag ulit ng boses lalaki sa buong pangalan ng babaeng yon
"Hala! Pangalan ka ng kapatid mo!" Ashley
Tumayo ako sa kinauupuan ko "CR muna ako" paalam ko pero bago pa ako maka alis ay may humawak sa palapulsuhan ko
Agad kong nilingon kung sino ang walangyang humawak sakin. Isa sa mga limang tinitilian ng mga babae
"You promise to come to the party but you didn't. Alam mo bang parang tang/a ang kakilala ko don na naghihintay sayo" seryosong sabi ng lalaki pero hindi nakakatakot. Kulay asul ang mga mata nya
Mariin kong hinawakan ang kamay nya at pabalibag na binitawan dahilan ng muntik nyang pagka out balanced
"Woah! Medyo lumakas ka a. Nag e-ensayo ka? Dati nga hindi mo ko kayang itulak kahit konti" natatawang sabi ng lalaki
Tinignan ko sya ng seryoso dahilan ng pagka- tigil nya "Kung simpleng tulak hindi nya kaya, pwes ako kaya kitang ibalibag dahil una sa lahat hindi ako si Chelsea"
Naguguluhang tumingin ang lalaki sakin saka lumingon sa mga kasamahan nya. For the second time, nag tama ulit ang tingin namin ng naka upo sa pinaka gitna. Seryoso at malamig ang awrang naka tingin samin ng lalaki
"Tss, tama na yan" lumapit sakin si Sahara at pinaupo ulit ako "Sorry boy but she's not Chelsea, she's Chesca Cortez, okay. Chesca"
"Hayss, kamukhang kamukha mo kasi yan tuloy pinagkakamalan kang isa sa kanila" Ashley
"Quadruplets nga di ba" Winter
"Pero buti na lang at pinalitan mo Ang surname mo ng Cortez no" Ashley
Huli na ng mapansin ko ang isang camera na naka tutok sa gawi namin. Sigurado akong nakunan kami ng video non
"Popost ko to sa page ng S.C.S Univ" napa mura ako sa isip ko dahil sa narinig
Tumingin ako kay Syrah at mukhang naiintindihan nya naman ang ibig kong sabihin "Sige, ako ng bahala sa batang yan"
Dumako ulit ang tingin ko sa lalaki kanina pero wala na sya pati ang mga kasamahan nya