Chesca POV
"Sa C.R muna ako" saad ko kina Ashley paglabas namin ng cafeteria. Umiba ako ng daan "Mauna na kayo"
"Sure ka? Samahan na kita, Ches" pahabol na sagot ni Syrah pero kinawayan ko lang ito patalikod
Tinignan ko muna ang nakatatak sa pinto bago ako pumasok. Bumungad ang medyo karamihang estudyante sa loob ng comfort room pagpasok ko. Malaki ang C.R at maraming kwarto. Bawat paligid din ay may salamin
"Sya ba ung sinasabi ng mga sec 1? Grabe, kamukha nya talaga ung triplets"
"Mas maganda sila"
"Anong pangalan nya?"
"Sabi ng friend ko sa sec 1, Cortez daw ang surname nya"
"She's lucky, kamukha nya ang tatlong prinsesa ng S.C.S"
Gusto kong matawa sa huling sinabi ng babae. Prinsesa? Pfft
Hindi ko na sila pinakinggan at pumasok isa sa mga cubicle. Pagkatapos kong umihi ay nag hugas ako ng kamay, nakakamangha ang C.R na to dahil bawat cubicle ay may maliit na lababo at salamin. Mabilis ang ginawa kong pag hugas dahil malapit ng mag simula ang klase pero laking gulat ko nang hindi ko mabuksan ang pinto
Pinilit ko itong buksan pero ayaw talaga. Pinagpag ko ang pinto ng tatlong beses "May tao ba dyan?!" sigaw ko pero walang sumagot. Ang tahimik sa labas
"Tang/ina!" inis kong mura at sinuntok ang pinto "Kung sino ka mang tang/inang gumawa nito humanda ka sakin!"
Inis kong pinagpag ang pinto hanggang sa kusa itong bumukas. Nabitin ang kamay ko sa ere at di maka paniwalang tumingin sa babaeng nasa harap ko ngyon
Kahit sya ay nagulat din "H-HOW???" puno ng pagtatanong at lito ang mababasa mo sa mukha nya
Ibang ibang na ang itsura nya ngyon kaysa dati noong mga bata pa kami pero kitang kita mo pa din ang aming pagkahawig. Mahaba at kulot ang dulo ng buhok nya at talagang masasabi kong malaki ang pinagbago nya
Hindi ako nag iwas ng tingin sa kanya at hindi ko din pinakita ang pagka bigla ko. Ang liit talaga ng mundo. Alam kong may chance na mag kita kita kami pero hindi ngyon, hindi sa ganitong sitwasyon
Ngumisi ako at naglakad palabas sa cubicle. Umatras sya at kitang kita ko pa din ang iba ibang emosyon sa mukha nya. Parang naka kita ng multo
"Hmm... miss me?" ngisi kong tanong "Alexandra Chelsea Crawford" diin ko sa buong pangalan nya
"Ellisiana Chesca, I thought your de/ad" sagot nya na deretsong naka tingin sakin. Nawala na ang pagka bigla sa mukha nya at napalitan ng dismayadong tingin. Tingin na pag nakikita ko ay parang binabalik ako nito sa sampung taong gulang ako "Sa dinami dami ng lugar dito pa talaga kita makikita"
"Parehas lang tayo, I didn't expect that I will see you here" agad kong sagot at matamis na ngumiti, ung ngiting nakaka asar "But thanks for opening the door"
Sasagot pa sana sya pero mabilis na akong lumabas at pabalibag na sinara ang pinto. Salubong ang kilay kong naglalakad sa hallway, nye/ta nakaka bad mood------
"Da/mn!"
"Fu/ck!"
Hindi ko alam pero may nabangga ako