Chesca POV
Pagdating ko sa racing arena ay marami- rami na ang mga tao. Sampung nagka karera ang aking nakita at alam isa sa mga don si Ashley
"Oy!" tawag pansin sakin ni Syrah na may hawak na pana, hindi lang ordinaryong pana. Napansin nyang naka tingin ako sa hawak nya kaya ngumisi sya sakin "Imbento to ni Sahara"
Napa tango tango ako "Asan nga pala sila?"
"Sumali sa racing si Ashley, bumili naman ng inumin si Winter, si Sahara ewan baka tulog pa yun" sagot ni Syrah
Linibot ko ang paningin ko dito sa loob ng arena. Ang daming taong nanonood, at hindi lang sila basta basta tao dahil lahat ng nandito ay mga gangsters, ung iba matataas ang ranggo.
"Nasan ung sinasabi mong nanghahamon sakin" tanong ko kay Syrah habang deretsong naka tingin sa pulang sasakyan na ang bilis ng takbo
"Ah yun" nagtaka ako sa biglang pag tawa nya "Natakot nang sabihin ko kung sino ang makakalaban nya"
"Tsk, bat di mo kasi sinabi agad"
"Gusto ko lang makita ang reaction nya. Whoo grabe ang dami talagang duwag sayo" Syrah
Sa karerang ito, kung manghahamon ka ay hindi bastang pili ang gagawin mo. May ibinibigay kaming maliit lang na box tapos pag bukas mo non, kung ano ang numerong makikita mo sya ang makaka laban mo
"AND THE WINNER IS NON OTHER THAN THE PRINCESS OF GANGSTERS... ASHLEYYYY!!!" anunsyo ng mc
Lumabas sa pulang sasakyan si Ashley na may ngisi sa mukha. Nag thumbs up sya sakin nang mag tama ang tingin namin
"Tss, kung maka kaway parang tatakbo ng presidente" ngusong saad ni Syrah sa tabi ko "Saka lang ako papalakpak pag natalo ka nya"
"Kung naiinggit ka sumali ka din" sabat ni Winter na nasa likod pala namin "Oh" abot nya samin ng vodka "Nag text nga pala ang lolo mo
sakin, Chesca. Hindi mo daw sinasagot ang mga tawag nya"
"Ayokong kinukulit nya ako" walang gana kong sagot
"Pumayag ka na kasi" Winter
"Kung gusto mo ikaw na lang"