CHESCA POV
"Ang sabi dito sa papel, ang room natin ay nasa kaliwang building. Third floor at section 1" basa ko sa naka sulat sa papel na bigay ng Dean at halos man lumo kami nang makita kung gaano kalayo ang kaliwang building
"Tang/ina yun ba!" inis na turo ni Winter. Tamad akong tumango nang biglang---
"Sino ang nag mura dyan sa labas!" nakalimutan naming nandito pa pala kami sa labas ng office ng dean
"Nye/ta takbo!" naunang tumakbo si Winter pababa kaya no choice kaming sumunod
"Aba! Inulit pa!" dinig kong sigaw ng dean pero nakababa na kami bago pa kami makita
---
"Kapagod akyatin ng hagdan. Ang yaman yaman ng Univ na to pero walang elavat---este escalator" pawis na kami nang dumating kami sa third floor ng building. Naupo si Ashley sa unang hagdan
"Hoy! Ayusin mo nga pagkaka upo mo. Baka nakakalimutan mo kung anong klase ang uniform natin huh" tapik ni Syrah sa hita ni Ashley
Linibot ko ang paningin ko. Ang tahimik ng hallway, nasan kaya ang section 1 dito?
"HOY! DITO!" nilingon namin si Sahara na nasa dulo na pala ng hallway
"Tang/ina! Nauna na pala ang demon/to!" mura ni Winter
"Oy! Sandali! Hintayin nyo ako! Natanggal ung butones ng blouse ko!" natatawa kaming pinanood si Ashley kung pano nya ayusin ung butones "Kung ano ang ikinaganda, yun din ang ikinapeke! Arghh! Jusko parang glinue lang ung butones! Di tinahi! Nagti- tipid ba sila ng butones! Tss!" mas lalo pa kaming natawa sa sinabi nya
"WHO ARE YOU! DI NYO BA ALAM NA NAKAKA ABALA KAYO NG KLASE! ANG LAKAS NG BOSES NYO!" nagulat kami nang biglang bumukas ang kaharap naming pinto, may lumabas na babae na gaya namin ay ganon din ang suot "PASALAMA'T KAYO AT WALA ANG PROF NAMIN DITO!"
Nagka tinginan kami
Tsss
"Wala naman pala ung prof nyo e, pano mo nasabing nakaka istorbo kami sa inyo, huh?!" lumabas ang pagka maldita ni Ashley
Gumuhit ang irita sa mukha ng babae "Were answering a test papers, okay! At hindi kami maka concentrate dahil sa ingay nyo!" singhal nya at pabalibag na sinara ang pinto
"Kung sisirain mo ung pinto nyo isagad mo na!" sigaw ko at walang ganang naglakad kami sa gawi ni Sahara
"Tss, tss, tss" iling iling ni Sahara habang naka tingin samin
"Dahil sa ginawa nyo halatang halatang wala talaga tayong manners" Winter
"Nakaka hiya sa nag mura sa harap ng Dean" Syrah
"Hoy! Nasa labas tayo non" di papatalong sagot ni Winter
"Shhh! Tumahimik nga kayo! Mamaya principal na ang lumabas dahil sa ingay nyo" saway ni Sahara
"Section 1" basa ko sa naka paskil sa pinto
"Tss, di man lang ginawang creative ung fonts ng section 1" Ashley
"Tang/ina dami mong alam e ngyon ka pa lamang pumasok dito" Winter
"Da/mn! Kanina pa kaya tayo dito. Ano? Late na late na nga tayo di pa tayo papasok" Syrah
"Tayo ka ng tayo, edi mauna ka" tinulak ko si Syrah sa harap ng pinto
"Aray huh!" mahina nyang sigaw sakin "T-teka, kakatok ba ako?"
"Huh?" Ashley
"Ano bang ginagawa ng mga tao bago pumasok? Di ba kumakatok, tss" Sahara
"Mag doorbell na lang tayo" Syrah
Inis kong binatukan si Syrah sa ulo "Anong sa tingin mo dito, bahay? Bahay to bahay?" sarcastic kong sabi
"Jusko! Wag nyo naman talagang pahalatang naging tambay tayo ng ilang taon" Winter
"Siguro ito ang epekto ng hindi pumapasok, nagiging bo/bo" sinamaan namin ng tingin si Ashley
"Kakatok na ako, guys" bumaling ulit ang attention namin kay Syrah
"Tss, buksan mo... ang swerte naman nila kung kakatok ka pa" walang gana kong sagot
"Sipain mo ung pinto" suhestiyon ni Winter
"Ay wag, baka peke din ang pinto at nasira pa ang ending tayo ang magpapalit" Ashley
"Don't compare your fake buttons to this door" kunwaring namangha kaming tumingin kay Sahara dahil sa page- english nya
"Tang/ina ako na nga, aabutan tayo ng gabi dito e" bago pa kami maka sagot ay sinipa na ni Winter ang pinto dahilan ng malakas na tunog nito
Sabay sabay kaming pumasok sa loob at sinara ulit ni Winter ang pinto gamit ang paa nya kaya naman naka likha ulit ito ng malakas na tunog
Pag tingin namin sa buong klase ay ang sama ng tingin nila samin lalo na ang prof
"Oopsss, sorry ayaw kasing mabuksan" Winter
"Then why didn't you knock first!" seryosong tanong ng prof na may halong galit "Alam nyo bang nakaka bastos ng ginawa nyo! And who are you?!"
"Transferee" kalmado ang tipid kong sagot