CHAPTER 4

416 Words
Chesca POV "Nakapag decide ka na ba?" tahimik kaming kumakain ng pananghalian ngyon dito sa hide out. Walang kaming espesyal na gagawin kaya naman buong mag hapon kaming tambay dito Tumigil ako sa paghigop ng sabaw ng ramen sa tanong ni Winter. Pagsapit ng gabi ay alam kong tatawag si Lolo upang alamin kung ano ang desisyon ko sa iniaalok nya "Liliit ang mundo ko kung papayag ako" ayoko ko ng mapa lapit sa nakaraan ko "Kahit naman anong gawin mo ay magkikita pa din kayo, hindi man sa ngyon pero balang araw. Tulad na lang ng pagsisinungaling mo sa Lolo mo na isa kang working student, hindi ka man nya nakikita ay paniguradong malalaman pa din nya. Baka nakaka limutan mo, ang Lolo mo na mismo ang naghahanap sayo, malabong hindi ka mahanap non at pag nangyari yon, anong isasagot mo oras na magtanong sya?" mahabang litanya ni Winter, nahirapan akong lumunok "Da/mn! Kung kino- konsensya mo ako hindi tatalab yan" walang gana kong sagot habang pinapanood sina Syrah at Ashley na nagbabangayan sa pagkain. Si Sahara naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan namin ni Winter "Bakit ba kasi ayaw mong mag aral, maganda kaya" ngusong saad ni Winter "Hindi ko gustong mag aral, wala lang talaga sa plano ko ang mag aral at kung mag aaral man ako ay hindi sa inaalok ni Lolong university" yan ang kinukulit ni Lolo sakin, ang mag aral sa isang sikat na university. Sa ganon daw kasi ay at least hindi nya ako pinapabayaan at nasisiguro nya ang kalagayan ko Noong umalis ako sa bahay 8 years ago, hindi ako nagpa kita kay Lolo maski isang beses dahil natatakot akong tulad din nila ay itakwil ako pero kabaliktaran ang nangyari, naniwala sya sakin at sa sobrang paniniwala nya ay di ko na maintindihan minsan ang mga sinasabi nyang tulad ng ako lang daw ang pag asa nya. Pag asa saan? "Tsk, wag mong sabihin natatakot kang makita sila" pang aasar ni Ashley ang tinutukoy nya ay ang dati kong pamilya, oo DATI! "Tss, afraid my a/ss" "Wala namang katakot- takot don" Syrah Hindi ko na pinansin ang iba pa nilang sinasabi at linunod ang sarili sa pag iisip. Nako kosensya na ako kay Lolo sa pagsisinungaling at tama si Winter, malabong hindi nya malaman. Kung papayag ako paano na ang grupo? Gusto ko ng kalimutan ang nakaraan pero mukhang si tadhana mismo ang gumgawa ng paraan, tss sa ngyon pa lang nahihirapan na akong mag desisyon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD