Chesca POV
Abala ako sa pagsipat ng mga laman ng box katabi si Ashley nang tumunog ung selpon ko "Oy, ung selpon ko!"
"O eto na po mahal na reyna" sarcastic na bigay ni Syrah sa selpon ko. Binato ko sa kanya ang isang de lata na agad naman nyang nasalo
[Yup?]
(Did you like it?) may galak na tanong ni Lolo
[Huh?] lito kong tanong
(Ang mga regalo k----)
[Sayo galing to?!] I cut him. Hindi maka paniwalang sabi ko. Kanina parang sasabog na ang ulo ko kaiisip kung saan nanggaling to [Pero bakit?] lito ko pa ding tanong
(Gamit mo yan sa pag aaral mo kasama ang mga kaibigan mo) ssgot ni Lolo. Nabanggit ko nga pala kagabi kung sino ang mga kasama ko dito (Pinalista na kita kasama ang mga kaibigan mo sa S.C.S Univ. Simula bukas ay papasok na kayo)
Hindi kaagad ako naka sagot sa sinabi nya (Agad- agad?!)
(Oo, apo. Sige na may meeting pa akong pupuntahan. Dadalaw ako dyan pag hindi na ako masyadong busy) yun lang at binaba ko na ang tawag
"Anong sabi?" usisa agad ni Ashley
"Papasok na tayo bukas" tulala pa ding sagot ko
"Anong tayo, ikaw lang" Sahara
"Sinali kayo ni Lolo"
"The F!" gulat na sigaw ni Ashley. Tinulak ko sya dahil sa lakas ng boses nya
"Ibig sabihin sasama kami sayo bukas?" Sahara
"Ay hindi sa pulubi ka sasama bukas" sarcastic kong sagot
"Kaya pala andaming uniform dito" lumingon kami sa gawi ni Winter. Naka bukas ang malaking box na yon na puno ng kulay pulang uniform na tatak S.C.S university
"Kinakabahan ako bukas" Ashley
"Walang namimilit Sayo" Syrah
"Tss, ikaw ba namang tambay ng ilang taon paniguradong kakabahan ka din" Winter
"Bahala na bukas" pero da/mn ayoko talagang pumasok. Bat naman kasi agad agad