Chapter 02

1007 Words
“TEN YEARS from now, ano na kaya ang pinagkakaabalahan mo?” humalakhak pa si Kirdy sa tanong na iyon sa kaibigang si Zaire. Napakuwenta tuloy si Zaire Ardiente ng kaniyang edad sa kaniyang mga daliri sa kamay. Thirty-three na siya pagdating ng sampung taon. Dahil ng mga sandaling iyon ay nasa twenty-three pa lang siya. “Siyempre ano pa ba? Successful na akong lalo sa panahon na ‘yon. Hindi mo na kailangan pang isipin, Kirdy. Bakit ba, bigla-bigla ay naisip mo ‘yan? Ang dami mo talagang time ‘no? As you can see, hindi mo ako katulad na maraming time sa buhay. I’m a busy person, Kirdy.” Inilibot ni Kirdy ang tingin sa kaniyang opisina. “By that time,” patuloy pa nito. “Siguro naman ay napalitan mo na ang Daddy mo sa opisina niya?” ngumisi pa si Kirdy kay Zaire. Ang Daddy ni Zaire na si Claudio Ardiente ang siyang tumatayong Presidente ng Ardiente Group of Companies. “Hindi naman ako nagmamadali na palitan si Daddy sa kaniyang puwesto. Isa pa, marami pa rin akong gustong matutunan sa kompanya namin.” Dalawang taon pa lamang ang nakalilipas simula nang magtapos siya sa kolehiyo. Tingin niya, marami pa siyang kailangang patunayan. “Tinatanong ng mga kaibigan natin kung may balak ka raw bang pakasalan si Hannah Villero? Isang taon na rin kayo, ha?” Kasal? Parang maaga pa para doon. Umiling siya. “Masyado pang maaga para pag-usapan ‘yan, Kirdy. Ang tsismoso rin ninyo.” “Para naman malaman namin kung saan ang punta ng relasyon ninyong dalawa. Syempre, nag-i-invest din naman kami ng emotion para sa inyo. Perfect couple naman kayo. At isa pa, gustong-gusto ng mga magulang mo si Hannah para sa iyo.” Iyong isip ni Zaire, wala pa talaga sa pag-aasawa. At hindi niya literal na nakikita si Hannah bilang asawa niya sa ngayon. Si Hannah na mas nag-e-enjoy lang sa kaniya sa kama. At hindi naman nito iyon itinatanggi sa kaniya. “Kapag successful na ako sa buhay, saka mo ako tanungin kung kailan ako mag-aasawa.” “Tss. Hindi na. Mukhang wala naman sa vocabulary mo. Anyways, malapit na ang birthday mo. Celebrate naman natin? O baka naman, may plano na kayo ni Hannah? Tapos hindi kami kasama? Zaire, gusto ko lang ipaalala sa iyo na mas nauna mo kaming nakasama kaysa kay Hannah.” Heto na naman ang pangbabauy sa kaniya ng kaniyang magaling na kaibigan. “Ang drama mo. Wala pa akong plano o kahit si Hannah.” “Then, ako na ang bahala. May alam akong magandang getaway.” “Bahala ka,” aniya sa kaibigan. Ewan ba niya, dahil ni hindi na siya nakakaramdam ng excitement tuwing paparating ang birthday niya. Siguro, parte iyon ng pag-ma-mature niya. Noon kasi, panay rin ang party niya kasama ang mga kaibigan niyang sina Kirdy, Meg, Lion at Greg. Pero lately, medyo nagla-lie-low rin siya sa mga party na pinupuntahan. Lalo na at hindi natutuwa si Hannah kapag nababalitaan na may mga babaeng dikit nang dikit sa kaniya. “Okay. It’s a deal, then. Now, kung aayain ka ni Hannah kung saan mang lupalop ng mundo sa birthday mo, tanggihan mo. Dahil mas advance ako sa kaniya na mag-setup ng party para sa iyo.” “Oo na.” “Mag-advance celebration na lang kayong dalawa. Hmmm?” “Oo nga. Kulit mo.” Nangingiting tumayo na si Kirdy at nagpaalam na rin sa kaniya. Napapailing naman si Zaire nang makaalis ang makulit niyang kaibigan. Sa lahat naman ng mga kaibigan niya, si Kirdy ang likas na makulit. “BABE, TUTULUGAN MO lang ba ako?” reklamo pa ni Hannah nang maabutan nitong padapang nakahiga si Zaire sa kama. “I’m tired.” “So? Tingin mo, hindi ko kayang gisingin ang alaga mo?” maharot pa nitong wika na pinilit siyang pihitin patihaya sa kama. “Bahala ka. Basta ako, pagod ang pakiramdam ko.” “Ako ang bahala sa iyo,” ani Hannah na agad ipinasok sa suot niyang boxer short ang kamay nito at hinawakan ang pakay sa loob niyon. “Tulog na tulog, ha?” maharot pa nitong biro sa nobyo. Nang hindi makuntento na nakapasok lang sa loob ng boxer ang kamay ay hinila na nito pababa ang pang-ibaba ni Zaire at walang itinira. Bumaba-taas ang kamay nito sa kaniyang alaga. Napamulat ang nakapikit na si Zaire nang maramdaman ang pagsubo ni Hannah sa kaniyang alaga. Magaling sa kama si Hannah. Isa sa nagustuhan niya rito. Kahit na wala siya sa mood, nagagawan nito iyon ng paraan lalo na kung gusto nitong may mangyari sa kanila. Kayang-kaya nitong gisingin kahit ang natutulog niyang alaga. Hayon nga at unti-unti ng tumitigas dahil sa ginagawang pagsubo ni Hannah. Nilaro-laro pa ng dila nito ang tuktok niyon na para bang isang lollipop. Nakagat niya ang ibabang-labi. Hindi tinigilan ng kamay, bibig at dila ni Hannah ang kaniyang alaga hanggat hindi siya naglalabas ng katas mula roon. “I’m going to c*m, babe,” bulalas niya nang hindi na mapigilan ang sariling katas na hindi lumabas. “Oh, shit.” “Sasaluhin ko,” ani Hannah na biglang isinubong muli ang kaniyang kahabaan. Napapikit pa ito nang hindi na mapigilan ni Zaire ang paglabas ng kaniyang katas. Napapikit siya nang makaraos ang pakiramdam. Halos mahabol pa niya ang kaniyang paghinga. Tumayo naman sa kama si Hannah at dumiretso sa banyo. Paglabas nito ay nagpupunas na ito ng bibig. Mukhang nagmumog ito roon. Hindi naman kasi ito lumulunok ng inilalabas niya. “May flight ako bukas,” wika pa nito sa kaniya. Napamulat si Zaire. “Bukas?” ulit niya. “Hmmm. Tutal pagod ka, magkita na lang ulit tayo pag-uwi ko.” Hinagkan lang siya nito sa labi bago tuluyang umalis. Ganoon lang. Para bang walang nangyari. Ang nobya niyang hindi man lang nagsasabi ng ‘I love you’ sa kaniya. Hindi naman niya kinukuwestiyon dahil ganoon din naman siya rito. Basta okay sila sa kama, iyon lang naman ang mas importante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD