Sobrang nag-aalala na ang kaibigan nina Dana at Jenny. Malapit na ang tanghalian pero wala pa rin silang paramdam kung nasaan na sila.. "Mahal wala kapa bang natatanggap na text o tawag sa dalawang yun?" Nag-aalalang tanong ni Rod kay Julie habang palakad-lakad sa kanilang apartment. "Wala pa nga nag-aalala na ako sakanila. Anu sasabihin natin kay tita Helena nito, si Jenny naman hindi hahanapin ng magulang niya pero si yaya malamang." Malungkot na sagot sakin ni Julie. Bigla nalang silang naglaho kagabi halos umaga na talaga kami nakaalis doon ni Julie. Anu bang nangyari sa dalawang 'yon! Kinakabahan na ako at natatakot ako kay kuya Jared. Prinsesa sakanya si Jenny! JENNY POV Ah! Ansakit naman ng ulo ko! Teka nasaan ba ako hindi naman ito ang kwarto ko. Bumangon na ako para icheck kon

