DANA POV Hindi ko aakalain na dito pala sa Dubai ko makikita ang aking bestfriend na si Jenny. Si Greg na kanyang assistant ang sumundo sa amin sa airport. Siya ang papalitan ko pansamantala at siya naman ang ililipat sa Canada pero ang aming assistant ay hindi magpapalit. Mukhang hindi naman mahirap pakisamahan si Greg ganun din si Betty sa Canada. "Bessy sobrang namiss kita." Iyak talon kaming dalawa na magkayakap. "Sobrang miss kita kung alam ko lang na iisang kompanya tayo sana dito nalang din ako. Tatlong taon ka ding hindi nagparamdam sa akin, akala ko tuloy nag-asawa kana at kinalimutan mo ako buti nalang assistant mo pala." Maktol kong sambit sakanya. "Hindi na ako mag-aasawa bessy. Sa apat na taon naglihim ako sa'yo!" Malungkot niyang wika sa akin. "Anu naman ang lihim mo sa

