Makalipas ang isang buwan, ang dating mayor ng Libana ay nagpatawag din ng meeting sa Rirean Underground. Sikreto iyong isinagawa dahil sa banta ni Jomar na wawasakin niya ang buong siyudad ng Libana na nagsisimula na muling maging maayos. Sa pagpupulong ay naroon din si Donlad bilang pinuno ng Vinsue. Tanging Sanua lang ang wala. Hindi kasi iyon ipinabatid kay Jomar dahil siya ang rason ng pag-uusap na iyon. "Bakit dito natin ito isinagawa?" tanong ni Donald. "Sapagkat ito ang pinakaligatas na lugar," sagot ng dating mayor. "Ligtas tayo rito dahil tayong tatlo lang dito sa loob at sa labas naman ay naroon ang mga bantay natin." "Subalit kapag nagkaroon ng gulo, pwede tayong makulong dito nang walang kalaban-laban," katwiran ni Donald. "Marami ng dugo ang kumalat dito at baka isa ta

