Kakaibang lakas at liksi ang ipinamalas muli ni Hexur. Ang mga miyembro ng Vinsue Mafia Organization ay napatda at hindi nakaganti ng putok sa mga Haitos na galit at sabik sa laban. "Darn it! B-bi-tawan mo ako!" malakas ngunit nauutal na sabi ni Jordan ng pinipilit ni Hexur ang braso n'ya sa likuran. Ang nanginginig na si Morie ay napatakbo kaagad sa sasakyan ni Hexur nang tiningnan siya ng masama ng binatang nag-aapoy ang mga mata sa galit. "Don't you dare touch my woman again! She's mine and not yours!" mahina ngunit mariin na sabi ni Hexir sa tainga ni Jordan. Napaigik naman si Jordan dahil sa sakit ng kan'yang kaliwang braso. Binali ito ni Hexur kaya naihi rin siya sa kanyang pantalon. Lalo pang napasigaw ang lider ng Vinsue nang isalya siya ni Hexur at nadanganan niya ang kaniya

