Ilang araw nang mainit ang ulo ni Hexur. Alam ng binata na mahal niya si Morie ngunit naiisip niya na wala siyang karapatan sa dalaga kaya noong nakita niya ito at si Cedric na masayang nag-uusap ng gabing iyon ay hindi siya tumuloy na sugurin ang mga ito. Nakaka-walong inom na si Hexur ng gayuma at tuluyan na rin siyang nalilito sa mga nakikita niya sa tuwing pumipikit siya. Panay ang hiling ng binata na sana bumalik ang balat niya sa kanang braso nang sa gayon ay makausap niyang muli si Soe. "Feroia, ang mundo mo ba ang nakikita ko sa bawat pagpikit ko? Ang pulang daigdig, ang sampung buwan at ang mga robot na kawangis ng tao ay mga kauri ko ba?" bulong ng binata habag nakatitig sa kisame. Bumangon si Hexur. Muli niyang kinuha ang gayuma na ginawa ni Morie at nakailang lagok siya b

