Nararamdaman ko agad ang matalim na titig ni Zayn bago pa man ako makatingin sa kanya. Nakaluhod pa rin ako kaya agad kong ibinaba ang ulo. Pero kahit gano’n, nagtagpo pa rin sandali ang mga mata namin at dali-dali akong umiwas. “Stand up,” sabi niya, mas malumanay kaysa sa inaasahan ko. Dahan-dahan akong tumayo habang nakayuko pa rin. Ramdam ko ang galit ni Zayn. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit saka humarap muli kay Yno. “Fiancée ko si Sera. And if you’re trying to ruin our relationship, here’s a piece of advice, stay away from her. Kung hindi, papatayin kita at makakalabas pa rin ako ng kulungan nang malaya.” Kinabahan ako sa sinabi niya. Napangiwi naman si Yno pero hindi na naghintay si Zayn ng sagot. Hinila niya ako palabas. “Zayn, please kausapin mo ako,” pakiusap ko ha

