Chapter 7: Toxic

1134 Words
Nakaupo kaming lahat sa sofa habang nakatutok sa telebisyon. Ipinatong ko ang ulo sa balikat ni Brayden. Isa siyang kaibigang dapat pahalagahan. Ang taong sumuporta sa akin kahit ano pa ang mangyari. Isang taong nagmamahal at handang gawin ang lahat para sa akin. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko ay ligtas ako at protektado. “Is everything okay at work? You look stressed,” malumanay na tanong ni Brayden habang hinahaplos ang buhok ko. Napabuntong-hininga ako at pumikit. Paano ko sasabihin sa kanya na ang boss ko ay ang aking ex? Kilala ko si Brayden. Kapag nalaman niya ‘yon, sigurado akong hindi na siya papayag na magtrabaho ako roon. He’ll ask me to resign immediately and I can’t afford that. “Ayos lang ako,” sagot ko. Nagkibit-balikat lang si Brayden pero ramdam kong hindi siya kumbinsido. Mahimbing na natutulog si Klea sa sofa. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking labi habang nakatitig sa kapatid ko. She looked so calm, so innocent. Lahat ng tinitiis ko ay para sa aking pamilya. Hindi ko kayang makitang nahihirapan sina Klea at Mama. Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ‘yon sa mesa nang hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag. “Hello?” sagot ko. “You know, with everything in me, I am trying not to break into that house and punch that son of a b***h. So I advise you to get your head off his shoulder.” Nanlaki ang mga mata ko. Ang boses na ‘yon. Mabigat ang paghinga niya na parang pinipigilan ang matinding galit. Agad akong lumayo kay Brayden. He frowned at my sudden reaction. Fear crawled up my spine as the thought hit me. Pinapanood niya kami. Bakit hindi na lang niya ako tantanan? “Good girl,” malamig niyang sabi bago pinatay ang tawag. Nangangatog ang mga kamay ko habang dahan-dahan lumalapit sa bintana. Bahagya kong hinawi ang kurtina at nakita ko ang isang itim na kotse na nakaparada sa labas ng bahay. Parang tumigil ang t***k ng aking puso. Mabilis kong isinara ang bintana at umatras. “Ayos ka lang ba, Sera?” nag-aalalang tanong ni Brayden. Pinilit kong ngumiti at tumango. “Y-yes. I’m okay.” Pero hindi talaga. “Ihahatid ko na si Klea sa kama,” mahina kong sabi. Lumapit ako sa kapatid ko at marahang binuhat ang maliit niyang katawan mula sa sofa. Bahagya siyang gumalaw pero hindi nagising. “Good night, Sera,” Brayden said gently. I nodded again before walking away, my heart still pounding wildly inside my chest. Hindi pa tapos si Zayn sa akin. At mas nakakatakot ’yon kaysa sa inaakala ko. Hindi ako makatulog. Tahimik na umaagos ang mga luha sa aking pisngi. I didn’t even try to stop them at first. Bakit nga ba ako umiiyak? Nasasaktan lang ako. Ang makita muli si Zayn ay hindi kailanman naging panalangin ko. When we broke up, I missed him dearly. May mga gabing umiiyak ako hanggang sa makatulog, hinahanap ang lalaking akala ko ay minahal ko. Pero kahit gano'n, hindi ko kailanman hiniling na makita siyang muli. Si Zayn ang lalaking sumira sa akin. Siya ang dahilan kung bakit natuto akong huwag magtiwala sa mga lalaki hanggang sa ilang buwan na ang nakalipas nang makilala ko si Brayden. Ang pagiging toxic ni Zayn ay sobrang mapang-angkin. Isang bagay na dapat katakutan. Kapag nagselos siya ay delikado. He could hurt people. Kaya pa nga niyang pumatay. Bigla kong naalala ang araw na muntik na niyang saktan ang isa kong kaklase sa kolehiyo dahil lamang sa nagtatawanan kami. Simpleng biruan lang ’yon sa pagitan namin ni Michael. Pero iba ang nakita ni Zayn. Nawalan siya ng kontrol noon. Mula sa araw na ’yon, hindi na ako kinausap ni Michael. Tuwing sinusubukan ko itong lapitan para magpaliwanag o humingi ng tawad. Agad itong umiiwas, takot ang nakaukit sa mukha nito. College became suffocating because of Zayn. Walang gustong makipagkaibigan sa akin dahil natatakot sila kay Zayn. Ayaw niyang may kaibigan ako. Gusto niyang magpokus ako sa pag-aaral at umiwas sa anumang distraksiyon. Sa sarili niyang baluktot na paraan, nagmamalasakit siya. Kapag may exams, pinipilit niya akong mag-aral magdamag. Nagagalit siya kapag hindi perpekto ang mga grades ko. Dahil sa pressure na ’yon, naging mahusay ako sa academic. Pero kapalit niyon, ano ang nawala sa akin? Pinunasan ko ang aking mga luha habang patuloy na bumabalik ang mga alaala. Parang sinasakal ang dibdib ko. Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa maliit na drawer sa tabi nito. Binuksan ko ’yon at kinuha ang isang litrato. It was a photo of us during our college days. Pareho kaming nakangiti. Noon, akala ko 'yon ang pag-ibig. Kahit naghiwalay na kami, itinago ko pa rin ang litrato na parang isang lihim na hindi ko tuluyang mabitawan. Napabuntong-hininga ako at marahang inilapag ’yon sa mesa. Saglit ko itong tinitigan, iniisip kung paano naging nakakatakot ang isang bagay na dati‘y pakiramdam ko ay ligtas. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm. Agad akong bumangon mula sa kama. Eksaktong 6:30 ng umaga ‘yon, at ayokong mahuli. “Klea,” mahina kong tawag habang marahang tinatapik ang katabi ko. Umungol siya pero hindi nagising. Napangiti na lang ako habang tinititigan ang cute na batang mahimbing na nakahiga sa kama. “Klea, mahuhuli ka na sa school,” sabi ko. Naglakad ako papunta sa aparador para maghanap ng isusuot. Sa wakas ay pumili ako ng palda pero bigla kong naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Zayn. Napahinto ang kamay ko. Tahimik akong napabuntong-hininga at ibinalik ang palda. Sa halip, kumuha ako ng pantalon at maingat itong inilapag sa kama. “Klea,” tawag ko ulit sabay kiliti sa kanya. Bigla siyang tumawa nang malakas at hinawakan ang buhok ko. “Nandadaya ka,” nakangusong sabi ni Klea. Napatawa ako. “Hindi, ah.” “Wala bang morning kiss?” tanong niya habang nakanguso pa rin. Inikot ko ang mga mata ko nang pabiro bago ko siya hinalikan sa pisngi. “Ayan. Masaya ka na?” Humagikgik siya. “Maligo ka na muna. Ihahanda ko ang almusal mo,” sabi ko sa kanya. Tumango siya pero sandaling nagtanong. “Hindi ka ba male-late sa trabaho?” “Hindi. Sige na, maligo ka na,” sagot ko habang ginugulo nang marahan ang buhok niya, dahilan para mapangiti siya. Ngumiti ako at lumabas ng kwarto. “Brayden!” malakas kong tawag nang wala akong makita sa sofa. “I'm here!” sigaw niya mula sa kusina. Baka nagtataka kayo kung nakatira ba siya sa amin. Hindi, pero minsan dito siya natutulog. “Hey, go take your bath. Ako na ang bahala dito,” sabi niya nang pumasok ako sa kusina. Tumango lang ako at naglakad pabalik sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD