Chapter 14: Manliligaw

1498 Words
I sat on one of the cold metal chairs in the hospital hallway, slowly sipping my soft drink. May naramdaman akong umupo sa aking tabi pero hindi na ako lumingon. Alam ko na kung sino ‘yon. “Tapos ka na bang makipag-usap kay Mama?” tanong ko. “Yeah. And we had a great chat. Tinanong pa nga niya kung kailan daw kita pakakasalan.” I turned to him sharply. “Kung alam lang ni Mama kung anong klaseng bastardo ka, hindi niya gugustuhing makita pa ang nakakadiri mong mukha.” I was grinding my teeth so hard it almost hurt. Sa halip na masaktan, natawa lang si Zayn. Madrama siyang napahawak sa dibdib. “Aray… ang sakit niyon. Pero para malaman mo, wala akong itinatago. Hindi ako masamang tao. I’m just a guy who’s helplessly in love with her daughter.” Napaiwas ako ng tingin. And damn him… those words affected me. Pero gaya ng nakasanayan, mabilis kong naitago ‘yon. Hindi ko hahayaang makita niyang may epekto pa rin siya sa akin. “Sera.” Napalingon ako nang marinig ang pangalan ko at kusang napangiti. “Kevin,” I called softly. Lumapit ito suot ang puting coat at niyakap ako. Ramdam kong nanigas sa aking tabi si Zayn. “Sinabi ng doktor na nabayaran mo na ang operasyon. It's going well,” sabi ni Kevin. Gumaan ang pakiramdam ko. “Salamat. At Kevin, gusto ko talagang magpasalamat sa’yo sa pag-aalaga kay Mama at sa pagtiyak na maayos ang kalagayan niya.” Ngumiti siya. “Ayos lang. Gagawin ko ang kahit ano para sa’yo, Sera.” Ngumiti rin ako pero may kakaiba sa paraan ng pagtitig nito sa akin. At alam ko kung bakit. Noong nakaraang linggo, umamin si Kevin sa akin. He told me he liked me. Sinabi ko namang pag-iisipan ko. He’s only twenty-three, handsome, kind, gentle… everything a woman should want. “Pwede ka bang yayain lumabas ngayong weekend?” tanong nito. Nag-atubili akong sumagot. Napatingin ako kay Zayn na kanina pa nakatitig sa amin nang masama. “I think—” “May lakad siya kasama ako,” mabilis na singit ni Zayn at inakbayan ako. He scoffed. “Sino ba ’to?” matalim na tanong ni Kevin habang tinititigan si Zayn. “She’s my fiancée,” Zayn replied confidently. “Hindi ikaw ang tinatanong ko,” iritadong sabi ni Kevin. Ngumisi si Zayn. “Sera,” tawag niya na para bang hinahamon akong sumagot. Napabuntong-hininga ako. “I’m her fiancé,” muli niyang sagot bago pa ako makapagsalita. “I wasn’t talking to you, you bastard!” sigaw ni Kevin sabay tulak sa dibdib ni Zayn. “Whoa, whoa… huwag mong sabihing nagseselos ka,” nakangising sabi ni Zayn bago hinalikan ang balikat ko. My heart skipped. “Zayn, stop!” sigaw ko sabay tulak sa kanya palayo. This was a hospital, for God’s sake. “Kevin, kailangan ko na talagang umalis,” I said quickly, feeling suffocated by the tension. Hindi na ako naghintay pa ng sagot. Dali-daling akong naglakad papalayo, iniwan ang dalawang lalaking nagtititigan na parang mga hayop na nag-aagawan sa teritoryo. Pero bago ako tuluyang makaliko, narinig ko ang mababa at seryosong boses ni Zayn. “Stay away from Sera. She’s mine.” There was something in his tone that sent a chill down my spine. Possessive. Dangerous. At sa hindi maipaliwanag na dahilan mas lalo lang pinabilis nito ang t***k ng puso ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa mahabang hallway ng ospital habang pilit pinapakalma ang sarili. Hindi ko alam kung kanino ako mas naiinis, kay Kevin o kay Zayn. “Hey!” Narinig ko ang boses ni Zayn mula sa aking likuran. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad. “Sera, wait!” tawag niya. Halos patakbo na akong naglalakad para lang hindi niya maabutan pero nagulat ako nang biglang nahawakan ni Zayn ang papulsuhan ko. Napahinto ako sa paglalakad. “Bitawan mo ako, Zayn,” malamig kong sabi habang hinaharap siya. Pilit kong pinapatatag ang boses kahit alam kong nararamdaman ni Zayn ang bahagyang panginginig ng aking kamay. Hindi siya agad nagsalita. Nakatitig lang sa akin ng seryoso, malayo sa karaniwan niyang mapang-asar na ekspresyon. Para bang may gustong sabihin ang kanyang mga mata. “Hinabol mo talaga ako para lang manggulo ulit?” tanong ko, tinatakpan ang kaba sa dibdib ko ng pagkainis. “Hindi,” sagot niya agad. “Ihahatid kita.” Napairap ako at umiling. “Hindi na kailangan,” sabi ko, sabay iwas ng tingin sa kanya. “Sera—” “I said, I don’t need it,” putol ko sa kanya. Akala ko titigil na si Zayn. Pero hindi. Mas lalo siyang lumapit hanggang halos magdikit na ang mga katawan namin. Ramdam ko ang init ng presensya niya, at lalo lang akong nataranta. “Madilim na,” sabi niya sa mahinang boses. “At galing ka pa sa ospital. Hindi ka uuwi mag-isa.” Napatawa ako nang bahagya, pero walang saya ‘yon. Halos tunog pang-iinis lang. “Since when did you start caring?” tanong ko, nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanya. Sandaling nanahimik si Zayn. Napansin kong bahagyang tumigas ang panga niya bago muling nagsalita. “Since always.” Napakurap ako. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko sa simpleng sagot niyang ‘yon. “Sumakay ka na sa kotse.” “Zayn—” “I’m not asking,” putol niya agad. Napabuntong-hininga ako, sabay hilot sa sentido. “Ang kulit mo talaga,” reklamo ko. Nakakapagod makipagtalo sa kanya. “Alam ko,” sagot niya agad, parang wala lang. “Hindi na ako bata.” “Alam ko rin.” “Kayang-kaya kong umuwi mag-isa,” dagdag ko pa, halos pasigaw na sa inis. “And I still don’t like the idea,” sagot niya nang kalmado. Napatingin ako sa kanya nang matagal. Kapag ganito ang tono niya, alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto. At ang nakakainis pa roon. May parte sa akin na gustong pumayag. “Fine,” sabi ko sa wakas. Bahagyang tumaas ang isang kilay niya, tila hindi makapaniwala sa narinig. “Fine?” ulit niya, may bahagyang amusement sa boses. Napairap ako. “Yes. Ihatid mo na ako para matapos na,” sabi ko, kunwari walang pakialam kahit ramdam kong umiinit na naman ang pisngi ko. Isang maliit at tagumpay na ngiti ang lumitaw sa labi ni Zayn na parang nanalo sa isang tahimik na laban. “Good girl,” bulong niya. Napatingin agad ako sa kanya nang masama. “Don’t push it,” babala ko. Mahina siyang natawa. Pagkatapos ay inakbayan ako habang naglalakad kami papunta sa parking lot. At kahit ayaw kong aminin. May kakaibang init na kumalat sa aking dibdib. Isang pakiramdam na matagal ko nang pilit tinatakasan. “Salamat sa hatid,” sabi ko habang inaabot ang hawakan ng pinto nang sasakyan para bumaba. Pero bago pa ako tuluyang makalabas, hinila ako pabalik ni Zayn. “I’ll come pick you up myself tomorrow,” he said. Napailing ako. “Hindi na kailang—” Sinubukan kong bumaba ulit, pero hinila niya na naman ako pabalik. Bigla siyang lumapit at mabilis na hinalikan ang labi ko. Napasinghap ako. “What the hell!” I quickly covered my lips while he just sat there, smiling like he had just won a prize. “Huwag mo nang uulitin ‘yon,” I said, trying to sound angry. Pero ramdam kong namumula nang husto ang aking mga pisngi. “Pero parang nagustuhan mo naman. Namumula ang pisngi mo,” panunukso niya. Napatawa ako nang mahina at tuluyan nang bumaba ng sasakyan. “I love you so much, Sera!” sigaw ni Zayn nang malakas kaya napalingon sa amin ang mga taong naglalakad sa paligid. “Zayn!” saway ko dito. Hindi ko napigilan ang munting ngiti sa aking labi bago pumasok sa loob ng bahay. Ilang sandali pa, umalis na rin siya at inilabas ang sasakyan sa compound. Pagdating ko sa sala, agad akong humiga sa malamig na sahig. Pagod na pagod ako at nanghihina. “Isa na namang nakakainis na araw sa trabaho bukas,” bulong ko sabay buntong-hininga. Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa loob ng sasakyan. Hindi ko mapigilang mapangiti. “Ate!” a tiny voice called. Napatingin ako at nakita ko ang maliit na pigurang tumatakbo papunta sa akin. Binuka ko ang mga braso at marahan siyang niyakap. “Klea,” nakangiti kong sabi sabay halik sa noo niya. “Maganda ba ang araw mo sa trabaho? Nakangiti ka kasi,” sabi ni Klea habang nakatingin sa akin nang may pagtataka. I chuckled nervously, feeling embarrassed. “S-siguro.” She smiled brightly. “Halika na, kumain na tayo. Nagluto ako ng adobong baboy.” Nanlaki ang mga mata ko. “Kailan pa natutong magluto ang bunso kong kapatid?” Sinimulan ko siyang kilitiin at agad siyang napatawa, nagpupumiglas sa mga braso ko. For a moment, all my stress melted away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD