“Mas mabuting ipaliwanag mo kung ano ang nangyayari,” mariin kong sabi bago tumalikod at naglakad pabalik sa kusina. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Zayn sa aking likuran. “Fvck,” daing niya bago sumunod sa akin papasok. Hindi ko maiwasang mainis nang makitang may naghahanap kay Zayn na magandang babae. At kung kumilos ay parang malapit sila sa isa’t-isa. Pero agad itong pinaalis ni Zayn. “Sino ‘yon?” I asked the moment he stepped in. Nakatalikod pa rin ako sa kanya at ayaw na ayaw kong makita ang kanyang mukha. “I really don't know her,” sagot niya. Napabuntong-hininga ako at hinarap na siya. “Seryoso ka ba, Zayn? May lakas ka pang magsinungaling sa harapan ko? Paano niya nalaman ang bahay mo kung hindi ka naman niya kilala?!” sigaw ko sa kanya. “Honey, calm down. Sinasabi k

