CHAPTER 12

1137 Words

TILA BINUHUSAN ng malamig na tubig si Cadence nang itulak sya nang bahagya ni Aga. Nanlalaki ang mga mata nya nang tumayo ito at tumalikod sa kanya. Kitang-kita nya kung paano nito naikuyom ang mga palad. "Magpahinga ka na," anito saka humakbang pero kagaad nya itong tinawag. "Sandali lang!" Tumigil ang binata ngunit hindi sya nilingon. Nanatiling nakatalikod sa kanya. Huminga sya nang malalim. Kinagat nya ang ibabang labi. Hindi nya sigurado kung saan sya humuhugot ng lakas ng loob ngayon pero bahala na. "I'm sorry kung hinalikan kita. Kalimutan mo na lang s-sana iyon." Umayos sya ng upo sa kama. Tumingala si Aga at bahagyang umiling. Tila may kumurot sa puso ni Cadence at ngayon sya ginapangan ng hiya. Nagsisisi sya kung nya ito hinalikan. Nang hindi pa rin umalis si Aga sa kinata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD