SASAKYAN NI AGA ang dala nila Cadence nang umalis sila. Natatawa siya dahil tanghaling tapat pero mag-dadate sila ng nobyo. Bahagyang napailing si Cadence nang hawakan ni Aga ang kaniyang kamay ay halikan ang likod niyon. Tinuon niya ang atensyon sa labas ng bintana. "Saan mo gusto pumunta?" tanong ni Aga. Nilingon niya ito. "Ikaw na ang bahala. Ikaw ang nag-aya, e," sagot ni Cadence. Tila nag-isip naman ang kaniyang nobyo. "Ikaw ang tagarito sa Bulacan. Saan ba tayo pwede pumunta?" Sandali rin siyang nag-isip. "Bukod sa mga mall, wala na akong alam, e. Taong-bahay lang ako." Ngumuso ito. "Sige. Manood na lang tayo ng sine?" "Sige. Pwede rin." Isa na yata siya sa pinakaboring na taong na bubuhay sa mundo. Dahil loner siya, hindi siya mahilig gumala o makihalubilo man lang sa iba. Wa

