Chapter 2

963 Words
Ruby: Dali dali akong umalis sa kinaroroonan ni Jacob at litong lito padin ako. Bakit ako nagpadala sakanya? Bakit ako muling nagpagamit? Hindi na pwedeng mauklit pa to Ruby hindi na. Iyon na lamang ang nasabi ko sa isip ko habang tinatahak ang daan patungo sa table namin ni Arthur. Alam ko nga naman na hindi pa kami nagpapa annul ni Jacob at tinitiyak ko na sa oras na malaman niya ang katauhan ko nakahanda na ang mga papeles sa annulment namin. "Dev? Bakit ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Arthur. "Ah e sumakit kasi ang tiyan ko alam mo na." Yun nalang ang dinahilan ko. Tumango tango naman ito at mukhang nakumbinsi ko. Kasintahan ko si Arthur at alam din niya ang mga plano ko. Hinihintay nalang din namin ang tamang panahon para magpakasal sa oras na ma annul na ang kasal namin ni Jacob. "Hey babe dito ka umupo sa tabi ko." Pukaw sakin ni Arthur. Bibihira niya lang akong tawaging babe. Madalas ay dev dahil nakasanayan na niya. Lumapit naman ako sakanya at umupo na sa tabi niya. Maya maya pa ay di ko mawari at nagsisimula nanamang mangulit ang mga mata ko na kanina pa palingon lingon sa paligid. Ano ba to? Bakit ba gusto ko siyang makita tsk I hate this feeling. Sabi ko sa sarili ko ... Nagsimula ng magkainan ang lahat at maya maya lang ay magsisimula na ang pagsasayawan. Nasa table lang ako dahil wala akong ganang kumain. Hindi naman pa kasi ako gutom. Kaya naman si Arthur ay pinauna ko ng kumuha ng pagkain. Magkatabi lamang ang table namin ni Jacob at alam kong kanina pa niya ako tinititigan. Hindi ako pwedeng magpahalata sakanya. Alam kong pinagaaralan niya ang bawat kilos ko. Naalala ko na may pagka mind reader nga ito dahil noon pa man magaling na siyang magbasa ng tao. Inayos ko ang sarili ko at tumingin din sakanya. Nagkasukatan kami ng tingin at talagang lumalaban siya ng tingin sakin. Hindi ka dapat magpaapekto Ruby. Hindi ka din dapat magpatalo sa walang hiya mong asawa. Sabi ko sa isip ko kaya naman ay nakipag laban ako ng titig sakanya. Ilang minuto din kaming ganon ng dumating ang fiance ko na si Arthur. Napukaw ang isip ko at nakita ko si Arthur na dinalhan nadin ako ng pagkain. Ngumiti nanaman ako sakanya dahil may pagkukusa talaga siya at masaya ako sakanya. "Thank you dinalhan mo pa talaga ako." Sinadya ko talagang landian ang boses at humarap kay Arthur na ani mo'y mag hahalikan na kami sa lapit ng mga labi namin. "Ayokong magutom ka." Sagot naman nito at tila kinagat naman ang pagseseduce ko. Hinapit niya bigla ang leeg ko at nag halikan kami. Wala kaming pakialam kung may mga nanonood mang tao at natutukan pa kami mismo ng spotlight. Bumitaw ako sakanya dahil matagal na kaming naghahalikan at nasamin na ang atensiyon ng mga tao. "Hey mamaya na natin ituloy yan." Sabi ko sakanya at kumindat ako dito. Nakangiti naman ito at itinuloy na ang pag kain. Tumingin ulit ako sa gawi ni Jacob para masiguro kong nakita niya ang lahat ng iyon. Masaya akong makitang nandidilim ang mukha nito at nagiigting ang mga panga. Well wala akong paki sakanya. Masaya akong nasasaktan siya. Kumain na ako at bigla na lamang nawala si Jacob sa kinauupuan niya. Ano ba Ruby wag mo ng hanapin ang walang hiyang yon dapat nga masaya kapa at unti unti ka ng nakakaganti. Sabi ko sa isip ko. Hindi lang ito ang ipaparanas ko sayo Jacob. Makikita mo din sa tamang panahon. Sabi ko at napangisi ako habang tinatapos ko ang kinakain ko. ... Natapos ang gabing yon na wala ng Jacob na muli pang nagpakita. Kinabukasan ay abala na ako sa opisina ko ang kompanyang kinuha ko kay Jacob. May business meeting ako mamaya sa business partner ko na si Nikko at oo sinadya ko talaga ito para mag krus pa ang landas namin ng walang hiya kong asawa. Pumasok ang bago kong secretary na si Honey at ibinigay sakin ang lahat ng kailangan ko sa meeting. 2pm ang meeting namin ni Nikko at sa 5 star restaurant ito gaganapin. Isinama ko naman ang secretary ko upang isulat ang lahat ng pinaguusapan namin ni Mr. Harris tungkol sa kompanya. 2pm to be exact ng dumating kami ng secretary ko sa nasabing venue. Nandito na si Nikko at nandito din si Jacob na talaga namang busy sa ginagawa niya. Nakipag kamayan na ako kay Nikko at naupo na kami. Ramdam ko ang pagtitig sakin ni Jacob at binalewala ko yon at tuloy lang ako sa pagsasalita. Ang Secretary ko naman ay nagsimula ng makipaglandian kay Jacob. Nakita ko pa silang nagkangitian at talagang naglalandian pa sa harapan ko. Tumikhim ako. "Ms. Baretto sinusulat mo ba ang lahat ng sinasabi ko?" Nagulat naman ang secretary ko dahil wala siyang nasusulat at busy sa pakikipaglandian kay Jacob. Naginit naman bigla ang ulo ko. Wala akong paki kung maging rude ako sa harapan nina Nikko at Jacob. "You're such an idiot! Sabi ko mag take down ka! Hindi ko sinabing makipaglandian ka diyan!" Pasigaw kong sabi sakanya at napayuko ito. Nakatitig lamang sakin si Jacob ng mga oras na yon at tila di makapaniwala sa ugali ko. "Sorry Mam." Nahihiyang sabi ng malandi kong secretary. "You're fired get out of my sight!" Sabi ko sakanya at nagulat ito. "Mam maawa kayo wala na ako-" Hindi ko na pinatapos ito. "I said GET OUT!" Pasigaw kong sabi na siyang kinatakot niya at nagmamadaling umalis ng restaurant habang umiiyak. Huminga ako ng malalim. "I'm sorry for what happened Mr. Harris. Let's continue." Sabi ko. Nakatitig padin sakin si Jacob at tila nakangisi na ito. Inirapan ko naman siya ang nagsimula na ako muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD