Nakangiti kong hinawakan ang salaming nagpaparte sa amin ng pinakamamahal kong ina.
"Pahinga ka na ma." Tila hangin iyon na lumabas sa bibig ko.
Mula kahapon na hawak ko siya ay matinding pagpipigil na ang ginawa ko pero halos manlumo ako nang may pumatak na tila tubig sa salaming nasa harapan ko.
I softly chuckled, "Pasensiya na ma-" mariin kong pinunasan ang pisngi-"may tulo na yata ang bahay natin." Natatawa kong sabi at inangat ang ulo para pigilan ang pagtulo pa ng alam kong nagtatago sa likod ng mga mata ko.
Hindi ko napigilang mapangiwi at mapabuntong hininga nang halos mag-umapaw na ang luha ko habang nakatingin ako sa kisame namin.
Tanda ko na si mama pa ang umayos no'n bago siya na-hospital.
Napabuntong-hininga ako ng malalim bago inayos at hinamig ang sarili.
Dapat akong magpakatatag dahil nag-iisa nalang ako. Nakapangako na akong kakayanin ko kaya hindi ko siya bibiguin.
Kailanman ayokong biguin siya dahil buong buhay niya, lahat ng nakapaligid sa kaniya halos palayasin na siya.
Ang mga inakala niyang nagmamahal sa kaniya, lahat ng 'yon...binigo siya at ayokong mapabilang sa mga taong 'yon.
I sighed.
Saglit ko pang liningon si mama at hinalikan bago tumalikod at humarap sa ilang nakiramay.
Kaagad na lumapit sa akin ang isang kapitbahay naming parating napapakiusapan kong bantayan muna si mama habang naghahanap ako ng trabaho. Si Aling Teodora.
"One (Oni) may naghahanap sa 'yo doon sa labas. Papasukin ko nalang ba?" maingat nitong tanong sa akin.
Nakangiti ko siyang sinagot at tinanguan.
"Ah s-sige." Mabilis naman itong umalis sa harapan ko para yata labasin ang mga bisitang aniya naghahanap sa akin.
Ipinagkibit balikat ko nalang ito at inasikaso ang ibang nakiramay.
May mga nagto-tong-its sa labas at nagma-mahjong. May nakaatang na ding kakilala ko para umasikaso doon habang nasa loob ako.
Sa totoo lang ay kaunti lang naman ang nakiramay sa amin. Sino ba naman kami para pagtuunan ng pansin.
Liblib din itong lugar namin na ayon sa sabi-sabi ng iba ay bahay ng mga mandurugas at ibang lahi pa ng madurugas.
Mapait akong napangiti habang inililibot ang tingin.
Ang mga mandurugas na sinasabi nila, sila lang ang buong pusong tumanggap, umunawa at rumespeto sa amin.
Ang mga sinasabi nilang mandurugas ang siyang nagbigay tulong nang halos gumapang na ako para lang madugtungan ang buhay ni mama.
"Nak..." kunot noo akong lumingon nang may pamilyar na boses akong narinig na halos ikapantig ng taenga ko.
"Anong ginagawa mo dito?" I gritted my teeth as I saw the man I was searching for.
The man I needed the most when I was all pained by everyone. By the world.
Nang nagsusumigaw ako ng tulong nasaan siya? Kaya anong karapatan niya para humarap sa akin ng nasa ganoong ayos?
Masaya at parang walang problema!
Nanggagalaiti akong lumapit, mabibilis ang hakbang pero agad ding napahinto 'di kalayuan nang humarang kaagad ang mga alipores niyang parang asong sunod ng sunod.
Matawa-tawa ko siyang tiningnan,"Sinong nagsabi sa 'yo na pwede kang bumisita sa burol ng mama ko?"
"Pasensiya ka na ha?-" mapanuya kong saad at itinuro ang bangkay ng mama ko-"dahil itong taong nakahimlay sa harapan mo! Kahit na mamatay-matay na! Ikaw ang hinahanap! Ikaw ang bukambibig! Ikaw na walang pakialam sa amin! Ikaw na halos itanggi kami sa lahat ng tao para sa reputasyong put*nginang 'yan!"
Hindi ko na naiwasang mapahagulhol. Ang ilan sa mga bisita ay lumabas muna. Habang ang iba ay tahimik lamang at nakatungo.
Tila wala na akong pakialam sa sasabihin nila. Hindi din naman sila ang uri ng mga taong mapanghusga. Kilala ko na ang lahat ng mga nandito. At kilala ako ng mga ito.
"Kaya anong karapatan mong pumunta dito?" payak akong napahalakhak. I gritted my teeth as I stared deep in his eyes. Ang mga matang singkit na iyang ang bumihag at pumatay sa mama ko!
"Wala nang magtatanggol at tatanggap sa 'yo ng buong puso dito. Ang taong tumutulong sa 'yo para pasukin ulit ang buhay namin...wala na. Ano pang ginagawa mo dito? Ha?!"
Hindi ko na napigilang magtaas ng boses na halos ikaigtad ng iba. Ang iba naman ay nagsinghapan.
Alam ko.
Kilala ako nila rito bilang mapagtimping tao. Hindi basta basta sumusugod. Hindi basta bastang nagagalit kaya halos gulat silang lahat nang makita na nila akong sumabog.
Masisisi ba nila ako kung dumating na ang pumindot sa litid ng pagtitimpi ko? Sa pagpipigil ko?
"Gusto ko lang makiramay." Pormal na sabi nito. Ilang minuto bago ang katahimikan at purong mga mata lang namin ang nagtatagisan.
Mapanuya akong tumawa sa harapan niya. "O, tapos na," kibit balikat ko," Alis na." I pointed our open door.
"Umalis ka na bago pa ako may masabing ikaatake ng puso ng isang sikat na negosyante ng Cebu." Tila asidong dinura ko ang mga salitang iyon sa harap niya.
Isa-isa kong tiningnan ang mga mukha ng alipores niya.
"Ayaw niyo naman atang mamatay ang alaga niyo? Sir?" Mapanuya at may diin kong bigkas sa panghuling salita.
Lahat sila ay nagsikilos para kumbinsihin ang matanda na umalis na.
Halos hindi ko naman kilala ang bodyguards niya at wala sa bokabularyo ko ang kilalanin-
"Sir, we have to go." Isang baritonong tinig ang nagpalingon sa akin mula sa pagkakayuko.
Kunsumido na ako tapos bigla kong narinig ang pinakamababang boses at pinakamagandang boses na narinig ko sa tanang buhay ko.
Mabilis akong nag-angat ng tingin. Halos mapatawa ako ng makita ko ang hitsura nito.
Bansot, amp.
Parang anak ni goku pa 'yung buhok.
Pinigil ko ang tawa gamit ang pagkagat sa pang-ibabang labi ko.
"Sana hindi ito ang huling beses na makabisita ako." Mabilis kong tinapunan ng tingin ang sinasabing ama ko daw.
"Wala akong pakialam. Sino ka ba?" Nanggagalaiti kong sagot sa harapan niya.
Nagulat naman ako nang biglang napahawak sa dibdib niya ang Instik. H-Hindi ko naman sinasadya.
Akmang lalapit ako at hahawakan ito nang may mga kamay na tumabig sa kamay ko.
Halos masubsob pa ako dahil do'n. Hindi ko mawari kung malakas lang talaga siya at ang pagkakatabig niya o nanghina ako nang makita ang sitwasyon ng tunay na ama ko.
"Don't lay a finger on him. Even if you're his daughter you have no rights to do those." Pangaral sa akin ng boses na kanina ko pa naririnig at akala ko boses ng bansot na 'yon.
Nang malagi ang pagturo ko sa bansot ay tinaasan lang ako nito ng kilay. Mabilis ko namang ibinaba ang hintuturo.
Akay na ng lalaki kanina na nakatalikod ang ama ko at humarap sa akin.
Halos mapatunganga ako sa mukha nito. Hindi ko naiwasang mapalunok. Sobrang pamilyar.
Napansin kong tila ba natigilan din ito nang makita ako.
Nang maibalik ko ang tingin sa amang walang malay ay hindi man lang ako nakadama ng kaunting pagsisisi.
Matapang kong hinarap ang mga mata nitong nanghuhusga.
"Iuwi niyo na 'yang Sir niyo at huwag na kayong bumalik pa dito. Hindi siya pwede rito."