ZyronTheBadBoy
#NabulunanSiCharlotte
Kung may typo man po per chapter paki comment naman po para naman maayos ko siya. Thank you!
So ano na masasabi niyo sa chapter?? May crush na si bebe Kath hihihi badboy po XDCHAPTER 5: IS HE MY...?!
[Katherine Chelsea Aguilar]
Nandito ako sa University ngayon, hinihintay ang resulta ng exam ko. Kinakabahan ako. Nasagutan ko naman lahat eh. Panatag ako na makakapasa
Chance ko na ito na makapag-aral ulit. Sayang naman kung hindi ako makakapasa. Sayang lang ang pinunta ko dito.
Nang makita kong may lumabas na babae na may hawak na papel ay agad ako lumapit sa kanya. Dinikit na niya ang papel sa bulletin board. Agad ko naman hinanap ang pangalan ko.
20. Aguilar, Katherine Chelsea
YEEES! Nakapasa ako!
Hahaha sabi na eh makakapasa ako. Sa wakas, natupad na rin ang pangarap ko. Matutupad ko na rin ang mga pangarap ko sa pamilya ko.
Mamaya na muna ako uuwi. Gusto ko muna maglibot dito sa campus para kapag papasok na ako ay alam ko na ang mga sulok ng Univeristy.
~~~***~~~
Nang mapagod na ako ay nag-stay muna ako sa isang puno. Malaki siya. Natatakpan niya ang sinag ng araw. Okay na 'yon, at least hindi ako maiinitan. Tanghali pa lang kasi.
Umupo ako ng pa-indian seat sa tabi ng puno at sumandal dito. Nakakarelax ang pwesto na 'to. Napapikit na lang ako. Nilalanghap ang simoy ng hangin.
"What are you doing here?"
Agad ako napamulat ng mata sa narinig kong boses. Biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko kung kanino nagmula ang boses na iyon.
'Yong crush ko! Oo crush muna tawag ko sa kanya kasi hindi ko alam ang pangalan niya.
Nakatayo siya sa harap ko at matamangg nakatitig sa akin. Parang nilulusaw ako ng titig niya. Napalunok ako. Pinagpapawisan ako.
'Yong titig talaga niya kasi.
"I said, what are you doing here?" nakakunot ang noo niya habang sinasabi 'yon. Kahit nakakunot ang noo niya, gwapo pa rin siya.
Binuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero walang lumabas na salita mula dito. Kinakabahan ako!
Matapang ko siyang tinitigan at sinagot ang tanong. "Nagpapahinga lang. Bakit? Masama ba?" hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ko para sagutin iyon.
"Yes. Because that spot you're sitting right now is my place." aniya habang nakaturo sa kinauupuan ko ngayon.
Ngayon ko lang nalaman na masungit siya. Dagdag pogi points ito sa kanya. Try ko nga sagutin siya.
"Ano naman? Ako naman ang nakauna dito. First come, first serve." sagot ko sa kanya ng pabalang. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin. Hinigit niya ang braso ko patayo. Ang sakit.
"Wala akong pakialam. Kung ayaw mong mapahiya ngayon dito, you better go now." mariin niyang sabi sa akin at binitawan ang braso ko. Iniwan niya akong nakatanga rito. Umalis na kasi siya at umupo sa pwesto ko kanina.
Ngayon, bumawas na ang pogi points niya. Ang sama ng ugali niya. Akala ko pa naman mabait siya. Aaargh. Hindi totoo ang sinasabi nilang 'First impressions last'.
Umalis na lang ako do'n na naiinis. Badtrip tuloy ako sa kanya. Hindi ko na siya crush. Joke! Meron pa rin naman. Mga 70% lang. The rest is bad impression.
~~~***~~~
Ngayon na ang First day ko. Pumunta muna ako sa Dean's Office para kuhanin ang schedule ko. Pagkatapos ay hinanap ko ang unang klase ko. Naunang umalis ng bahay si Charlotte kaya hindi kami magkasabay pumasok. May pupuntahan daw Kasi siyang importanteng tao. Hindi ko alam kung sino. Wala naman siyang sinabi na pangalan sa akin.
Nang mahanap ko ang unang klase ko ay pumasok na ako sa loob. Ang naabutan ko ay magulo ang mga tao dito. Na unfortunatelly mga kaklase ko for the rest of the school year. Naghanap ako ng vacant seat. May nakita ako sa bandang likuran. Tumungo ako doon at umupo. Ang pwesto ko, katabi ko ang bintana. Maayos naman ang pwesto ko.
Ayoko makipagkaibigan dito. Wala akong balak. Mas okay nang wag nila akong pansinin. Ayoko ng masyadong maraming atensyon sa akin. Baka kasi pagtsismisan lang nila ako.
Dumadami na ang pumapasok. Nagulat ako nang pumasok si Crush.
Kaklase ko siya?!
Nananaginip ba ako?
Kung nananaginip ako, 'wag niyo kong gisingin please?
As usual, cold pa rin siya kung tumitig. Luminga-linga siya na parang naghahanap ng upuan. Ang swerte ko naman. May bakante pang upuan sa tabi ko.
Napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin sa puno the last time na nagkita kami. Crush ko pa rin siya!
Napasimangot siya. Nakita niya ang bakanteng upuan sa tabi ko . 'Yong iba occupied. Wala siyang nagawa kung hindi umupo na lang doon. Padabog niyang nilapag ang bag niya at napadukdok sa desk.
Matutulog? Aba matinde pala 'to.
Hinayaan ko na lang. At least katabi ko si Crush. Hihihi.
Ilang minuto ang nakalipas ay tumunog ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase. Ang mga kaklase ko, maingay pa rin. Lalo na 'yong mga lalaki na nagkukumpulan sa gilid. 'Yong mga babae naman, may kanya-kanya silang ginagawa.
May pumasok na babae, hula ko ay kaklase ko rin siya. May sinabi siya sa mga kaibigan niya. Medyo hindi ko narinig pero eto ang pagkakaintindi ko.
"Ang gwapo ng professor natin! Ang bata pa! Gooosh. Kung hindi ako dumaan sa Dean's office, hindi ko siya makikita. Ang swerte natin! Ang hot pa niya! Makalaglag panty!"
'Yan ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
Gwapo raw professor namin? Bata raw? Ano 'yon? Wala pa naman ako interest sa mga gano'n. Meron na ako crush eh. Kilala niyo naman kung sino eh.
Oo nga pala. Hindi ko pa alam pangalan niya. Kaso ayoko naman tanungin kasi nakakahiya. Chos. Ngayon lang nahiya? Hulaan ko na lang pangalan niya.
Nalunod ako sa kakaisip ng kanyang pangalan. Hindi ko namalayan na pumasok na ang prof namin. Tumili kasi ang mga kaklase kong babae. Sakit sa tenga. Nairita nga katabi ko eh.
Hindi ko pa nakikita ang prof kasi nakatingin lang ako kay Crush. Hindi niya ako napapansin.
Dahil nacucurious akong tingnan 'yong prof namin dahil sabi ng sabi ang mga kaklase kong babae ng ganito,
"Oo nga! Ang gwapo niya!"
"Ang swerte naman natin!"
"Araw-araw na ako papasok basta makita ko lang si Sir tuwing umaga!"
"Makalaglag panty!"
"Teka teka baka nalaglag panty. Kapa ko lang"
Baliw na yata mga kaklase kong babae. Ang lalantod naman nila kung magsalita.
Tiningnan ko kung ano ba talaga 'yong itsura ng prof namin. Nang makita ko ito Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa nakita ko.
Hindi ako makapaniwala.
Siya?!