[Katherine Chelsea Aguilar] Nang makauwi na kami galing sa pamamasyal, dumeretso agad ako sa kwarto ko para ayusin 'yong mga pinamili namin ni Skyler na gamit sa'kin. Si Skyler naman may aasikasuhin sa baba. Habang nag-aayos ako, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. I'm jealous and I'm f*****g serious about it. Nagseselos talaga siya? Hindi tuloy mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Ewan ko ba pero kinikilig ako. Ang cute kasi niyang magselos. Parang batang inagawan lang ng candy. Sana naman makita ko ulit ang ekspresyon niyang 'yon. Ang sarap lang panggigilan ang pisngi niya. "Boo!" "Ay pusa!" Napahawak agad ako sa may bandang dibdib ko dahil sa sobrang gulat ko. Naiinis na nilingon ko ang taong nanggulat sa'kin. "Ano ba?! Bakita ba nanggugulat ka?! Munti

