[Third Person's POV]
Bago ang insidente.
Shit! Hindi talaga mawala-wala ang ngiti sa labi ni Skyler, lalo na at unti-unting nakakapasok na siya sa sistema ng dalaga. Alam niya sa sarili na konting pagtitiyaga pa niya, mapapaamo na rin niya ang dalaga. Nararamdaman niya iyon. Hindi niya makalimutan ang mga ganap kanina no'ng nasa bahay siya ni Kath.
At ngayon, gumagawa siya ng cookies para sa dalaga. Ibibigay niya ito mamaya. Napangiti siya. Sigurado siyang magugustuhan ito ng dalaga. Susungitan na naman kaya siya nito? Panigurado. Lagi naman siyang sinusungitan nito eh.
Napatingin siya sa labas ng kanyang bintana. Maggagabi na pala. Hindi niya namalayan ang oras kung ano oras siya nagising kanina. Pagkauwi niya kasi ay natulog siya dahil nakaramdam siya ng pagod.
Dali-dali niyang tinapos ang pagbake ng cookies, pagkatapos inilipat niya iyon sa isang maliit na tupperware na kakasya sa cookies na binake niya.
Umakyat siya sa kanyang kwarto para magpalit ng damit at kinuha ang nakatago niyang leather jacket sa kanyang closet.
Nakasuot siya ng puting v-neck shirt, maong pants at black nike rubber shoes. Pinatungan pa niya ito ng itim na leather jacket. Tumapat siya sa salamin malapit sa kanya at tinitigan ang sarili.
Mukha tuloy siyang gangster na sasabak sa gera dahil sa suot niya. Na-aastigan siya sa kanyang suot. Bagay na bagay sa kanya. Napangisi siya. Ano kayang reaksyon ni Kath kapag nakita siyang ganito ang kanyang suot?
One way to find out.
Bumaba na siya at kinuha ang maliit na tupperware na naglalaman ng binake niyang cookies at inilagay ito sa loob ng paper bag. Lumabas na siya ng kanyang bahay para puntahan si Kath. Ngising-ngisi siya habang naglalakad patungo sa katabing bahay nito. Pero agad itong naglaho ng makitang nakapatay ang ilaw ng apartment.
Napakunot-noo siya. Bakit nakapatay ang ilaw? Maaga ba itong natulog? Hindi ugali ng dalaga ang matulog ng maaga. Lalo na't ngayon dahil hinihintay nito si Charlotte na umuwi.
Alam niya kung nasaan ang kanyang kapatid, lumuwas muna ito ng Maynila dahil may aasikasuhin daw ito at bukas ng hapon pa ito makakauwi.
Napatingin siya sa nakaawang pinto ng apartment. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. May kutob siya. Mabilis siyang naglakad patungo sa pinto at may nakitang maliit na sulat. Agad niya itong nabasa. Nagdilim ang mukha niya ng mabasa ang nakasulat sa papel.
Pumunta ka sa address na ito. Nasa amin ang babaeng mahal mo. Huwag kang magkakamaling magtawag ng pulis, kung hindi papatayin namin ang pinakamamahal mong babae. Marami kaming alam tungkol sa inyo, marami kaming connection.
-Anonymous
Napatiim-bagang siya. s**t! Sino naman ang kikidnap kay Kath?! At ano kailangan nito sa kanila?! f**k! 'Wag lang itong magkakamaling saktan ang mahal niya, sisiguraduhin niyang makakapatay siya ng tao kapag nangyari iyon.
Nagmadali siyang bumalik ng bahay, kumuha siya ng isang baril na nakatago sa kanyang drawer. Kinuha rin niya ang susi ng kanyang Ducati.
Pagkatapos, pumunta na siya sa kanyang Garahe at sumakay sa kanyang Ducati. Binuhay niya ang makina ng motor at pinaharurot ito sa destinasyon kung saan dinala ng kidnapper ang babaeng mahal niya.
~~~***~~~
Nakarating na siya sa address na nakasulat sa papel. Nasa abandonadong building siya.
Hawak ang kanyang baril, pumasok siya sa loob. Kailangan niyang mahanap si Kath sa lalong madaling panahon. Baka may mangyaring masama rito, at ayaw niyang mangyari 'yon. Lintek lang, makakapatay siya ng tao kapag nangyari 'yon.
Napaigtad siya ng makarinig siya ng boses malapit sa kinaroroonan niya.
"SKYLER TULONG!! SKYLER!!"
Fuck! Si Kath 'yong sumisigaw!
Agad siyang kumaripas ng takbo sa kinaroroonan ng boses na 'yon. Napatiim-bagang siya ng makita niyang lumalapit ang mga lalaking may sala sa pagkidnap sa mahal niya. f**k! Anong ginagawa nila kay Kath?! Mapapatay ko sila.
Nagpaputok siya ng baril malapit sa kinaroroonan ng mga hayop na 'yon. Nagdidilim ang paningin niya sa naabutan sitwasyong kinahahantungan ni Kath.
Mga gago, may balak pa kayong galawin si Kath! Walang pwedeng humawak sa kanya maliban sa'kin!
"f*****g assholes." malamig niyang sambit habang nakatutok ang baril sa dalawang lalaking nakatayo na.
Madilim ang kanyang mukha, nanlilisik ang mga matang nakatingin sa dalawang lalaki at nakaigting ang kanyang panga.
"You're going to experience hell because of what you did." malamig na saad niya at lumapit sa mga lalaki.
Sumugod ang isang lalaki at umamba ng suntok pero mas mabilis ang kilos niya at inilagan iyon sabay suntok ng malakas dito. Agad niyang tinutukan ito gamit ang kanyang baril niya sa lalaki at pinaputukan iyon. Nakabulagta ngayon ang lalaki at naliligo ito sa sarili nitong dugo.
Nagpaputok ulit siya ng baril na umalingawngaw sa buong silid. Napalingon siya sa gawi ni Kath ng magsalita ito.
"A-anong ginawa mo?! B-bakit mo sila pinatay?!" nanginginig na tanong nito sa kanya. Nakita niyang takot na takot ito sa kanya na makitang madilim pa rin ang mukha niya at puno ng galit ang mga mata.
"Does assholes deserve to die." malamig pa rin ang boses niya. Galit na galit pa rin siya. Nagsimula siyang lumapit sa dalaga.
"Makukulong ka! Bakit mo sila pinatay?!" tinignan niya ito ng deretso sa mga mata.
"Walang ibang pwedeng humawak sayo maliban sa'kin! Akin ka lang, Kath! Ako lang ang pwedeng humawak sayo!"
Napaatras ito sa sinabi sa sinabi niya.
"Hindi! Hindi mo ako pag-aari!" sigaw ng dalaga sa kanya.
"Yes! You are mine! The moment my lips touch yours, I declared to myself that you are mine! Akin ka lang, Kath. Akin lang!" balik sigaw niya rito.
Ilang sandaling pagtitigan nilang dalawa, biglang bumagsak ang dalaga, buti na lang mabilis siyang kumilos at nasalo niya ito. Nahimatay ito siguro dahil sa sobrang pagod, stress, at sobrang takot.
Inayos niya ang pagkakabuhat rito bago inilabas sa loob ng building.
Habang naglalakad, napapatingin siya sa dalaga. Napakaamo ng mukha nito, maaliwalas ang mukha na parang walang kinakaharap na problema. Sobrang kinis ng mukha nito, mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong at may pagka-pink ang labi nito.
Napalunok siya ng mapadako ang paningin niya sa medyong nakaawang bibig ng dalaga. Natutukso siyang halikan ulit ito.
Ipinilig niya ang kanyang ulo para mawala iyon sa utak niya. Ayaw niyang pagsamantalahan ang natutulog na dalaga. Gusto niya, kapag gising na ito, saka niya ito hahalikan kahit wala itong pahintulot.
Ilang sandaling pamamalagi nila sa labas, hindi niya kasi kayang magmaneho dahil motor ang dala niya, mahihirapan siyang ipagmaneho ang dalaga pauwi.
Pinatitigan niya ang dalaga habang hinahaplos ang buhok nito.
"Hinding-hindi kita pababayaan, Kath. Lagi kitang babatanyan. Lagi akong nandito para sa'yo. Isang tawag mo lang sa pangalan ko, nandito na ako sa tabi mo. Always remember Kath, I'm just one call away." anito sabay halik sa noo nito.
"Mahal na mahal kita, Kath. I love you, always and forever."