Katherine Chelsea Aguilar

1650 Words
REPLY BOX POLICY PO TAYO!!!CHAPTER 1: HER LIFE [Katherine Chelsea Aguilar] Kumatok muna ako sa pinto ng aming bahay bago ako pumasok. Kagagaling ko lang sa pinapasukan kong trabaho. Part-time job kumbaga. 'Yon lang hanap-buhay ko sa ngayon. Hindi kasi sila tumatanggap ng hindi college graduate. "Nay! Nakauwi na po ako." Sabi ko habang nilagay ko ang bag ko sa kawayang sofa naming sa gilid ko. Nakita ko si Nanay na nagluluto ng hapunan namin. Lumingon siya sa kinatatayuan ko at ngumiti. Lumapit ako sa kanya at yumakap. "Musta ang trabaho, nak?" tanong niya sa'kin. "Okay lang naman Nay. Kayo po? Kamusta kayo? Si Tatay po, nasaan siya?" bumitaw kami sa pagkakayakap, nagmano muna ako bago kami tumungo sa may kusina. "Nasa may barangay siya. May aasikasuhin lang. Pauwi na rin 'yon." sabi sa akin ni Nanay at ipinaghain ako. "Hindi po ba natin hihintayin si Tatay?" umiling lang siya habang sinasandukan ako ng kanin. "Gagabihin kasi siya." tumango na lang ako. Tahimik lang kami kumain. Mahirap lang kami, iyon ang masasabi ko sa estado ng aming buhay. Ang tatay ko ay nagtatrabaho sa aming Barangay bilang isang barangay tanod. Minsan nga, gabi na siya kung umuwi dahil sa pagroronda sa buong barangay namin. Ang nanay ko naman ay nagbebenta ng mga banana cue, kakanin at tuyo. 'Yon lang naman kasi ang kanyang hanap-buhay. Ako naman ay nagtatrabaho bilang part-time job sa isang coffee shop na pinapasukan ko. Hindi ako nakapagtapos ng 2nd year college dahil sa naghihirap sa pagtatrabaho ang magulang ko. Kaya nagpasya akong tumulong sa kanila kaya napatigil ako sa pag-aaral. Sobrang hirap ng buhay namin kaya gusto ko silang tulungan para naman may maipanggastos kami sa pangaraw-araw na pangangailangan. Bilib ako sa kasipagan nilang dalawa. Nakukuha pa naming mabuhay sa ganitong hirap. "Anak." tawag sa akin ni Nanay kaya napalingon ako sa kanya habang ngumunguya. Nakita ang seryoso niyang mukha. "Bakit po?" tinigil ko muna ang pagkain ko. "Ayaw mo bang magtapos ng pag-aaral?" sandali akong natahimik. Isang taon na akong hindi nag-aaral. Gusto ko na nga mag-aral pero iniisip ko silang dalawa. Pa'no sila kung mag-aaral ako? "Gusto ko po sana kaso iniisip ko po kayo. Alam niyo namang kapag nag-aral ako, maiiwan ko lang kayong dalawa dito ni Tatay. Ayoko po no'n lalo na't mahirap pa ang buhay natin ngayon." Napabuntong-hininga siya. "Pero anak..." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Gusto kong makatapos ka ng pag-aaral mo para naman maging maganda ang magiging kinabukasan mo." Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Pero Nay, paano naman kayo ni Tatay? Hindi ko kayo pwedeng iwan ng ganito." nginitian niya lang ako. "'Wag mo kami alalahanin ng tatay mo. Okay lang kami. Kaya naman namin ang buhay basta may tiyaga lang. Ikaw lang naman ang iniisip namin. Gusto namin makapagtapos ka ng Kolehiyo." aniya. Inubos ko muna ang pagkain ko. "Pag-iisipan ko muna Nay. Ayoko muna magpadalos-dalos." sabi ko. Tumungo ako kay Nay at humalik sa pisngi niya. "Akyat na po ako Nay. May trabaho pa ho ako bukas. Magandang gabi po sa inyo." Pumunta na ako sa kwarto ko para makapagbihis at para na ring makapagpahinga. Pagkatapos kong magbihis, humiga na ako sa kama at tumitig sa kisame. Iniisip ko ang mga mangyayari sa'kin kapag ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Maiiwan sila Nanay at Tatay dito sa probinsya samantalang ako pupunta ng Maynila para doon makapagKolehiyo. Makakaya ba nila kapag wala ako? Pa'no kung mahirapan sila habang nasa Maynila ako at nag-aaral? Hindi ko pa alam. Siguro dapat huwag ko munang isipin 'yon. Baka hindi pa naman mangyayari 'yon. Pinikit ko na ang mata ko para matulog. Madali naman akong nakatulog dahil sa sobrang pagod ko. ~~~***~~~ "Kath, paki-serve naman ito sa table number 7." Nandito ako sa pinagtatrabahuan kong coffee shop. Pagiging waitress ang karaniwan kong ginagawa rito sa coffee shop, pero minsan nasa may counter ako kapag kinulang kami ng crew. Kinuha ko ang pinapaserve sa'kin ng ka-trabaho ko at hinanap ang table number 7. Nang makita ko iyon ay agad ako nagtungo doon. Isang lalaki ang nakaupo at nagtatype sa kanyang laptop ang nadatnan ko. May suot siyang salamin. Ang suot naman niyang damit ay isang v-neck na shirt at maong pants. Base sa itsura niya, masasabi kong gwapo siya. Maputi ang kanyang balat, makisig ang pangangatawan dahil bakat ang kanyang muscle sa shirt niya. Medyo makapal ang kilay niya na mas lalong bumagay sa kakisigan niya. Makinis ang kanyang mukha na parang hindi manlang nagkaroon ng tigyawat noong kabataan niya. Matangos ang kanyang ilong. At mapula ang kanyang manipis na labi na parang babae pero bagay naman sa kanya. Aish. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Kailan pa ako nagdescribe sa isang lalaki ng ganito? Nang makita niya akong dala-dala ang order niya. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Thanks." malambing saad niya. Bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko. Iyong titig niya, nakakatunaw. Para akong nanghihina. Hindi ko alam kung bakit nagrereact ang puso at katawan ko ng ganito. At bakit parang pamilyar ang kanyang mukha? Nakita ko na ba siya noon? Bago pa niyang mapansin na may kakaiba sa akin ay kaagad akong umalis sa lugar niya at bumalik sa loob. Bakit ganito? Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang kinakabahan na ewan. Feeling ko aatakihin ako sa puso. Paano ba naman kasi, 'yong titig niya sa'kin nakakalambot ng tuhod. Titig pa lang niya nanghihina na tuhod ko. Iniling ko na lang ang ulo ko para maalis 'yon sa utak ko. Ano ba 'tong pinagiisip ko? Wala lang 'yon panigurado. Dapat focus lang ako sa pagtatrabaho ko.~~~***~~~ Malapit na ako mag-out pero ayaw pa rin mawala ang lalaking 'yon sa isip ko. Aaargh. Kakakita ko pa lang sa kanya tapos biglang nagrereact ako ng ganito? Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko hanggang ngayon. Ayaw kumalma. Ninenerbyos lang siguro ako. Lagi kasi ako nagkakape tuwing maga-out ako sa trabaho ko. Habang naglalakad ako pauwi sa amin, may mga nakita akong mga taong nagkakagulo sa may lugar namin. May narinig din akong tunog ng sasakyan ng bumbero. Bigla akong kinabahan nang makita kong umuusok sa lugar namin. Kaagad ako napatakbo roon. Nakita ko si Nanay sa isang gilid, lumuluha. Nilapitan ko agad siya at niyakap. Niyakap niya rin ako ng mahigpit kaya nag-aalalang nagtanong ako sa kanya. "Nay, ano pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak? Bakit may mga bumbero sa may lugar natin?" mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Nanay. Humahagulgol ito sa balikat ko kaya hinimas kong likod niya para mapatahan. "Nasunog ang bahay natin anak." sabi niya sa pagitan ng kanyang hikbi. Medyo naluluha na rin ako pero pinigilan ko iyon. Ayokong makita ako ni Nanay na nanghihina ako. Gusto kong maging matatag para sa amin. "Si Tatay po? Nasaan po siya?" kinakabahan kong saad. Napansin ko kasi na wala siya sa tabi ni Nanay. Baka kung ano ang nangyari kay Tatay. "Nando'n malapit sa bahay natin, sinasalba ang mga gamit natin. Pero alam kong wala ng natira sa ating mga gamit" Aniya sa nalulungkot na tono. Saglit kong iniwan si Nanay at tumakbo papunta sa bahay namin at hinanap si Tatay. Nakita ko siya malayo sa kinatatayuan ng bahay namin. Nakatulala lang sa unti-unting pagiging abo ng bahay namin. Agad naman ako lumapit sa kanya. "Tay..." marahan kong tawag sa kanya. Tumingin siya sa akin. Ngumiti siya. Isang pilit na ngiti. "Pasensya ka na anak, hindi ko naisalba ang iba nating kagamitan." Napatungo siya no'n habang sinasabi sa'kin 'yon. Niyakap ko siya para naman maibsan ang kalungkutan niya. "Okay lang po 'yon. Ang mahalaga, ligtas kayong dalawa ni Nanay" nakangiti kong sabi sa kanya. Bahagya siya ngumiti. Atleast ngumiti siya. Nang makaalis na ang mga bumbero ay lumakad na kami ni Tatay sa kinalulugar ni Nanay. "Saan na po tayo titira niyan?" tanong ko. Huminga ng malalim si Nanay at tumingin kay Tatay. Si Tatay na ang sumagot sa tanong ko. "Babalik muna siguro kami sa probinsya anak." Nagtaka ako sa sinabi niya. Probinsya? Sila? Hindi ba nila ako isasama? "Kayo po? Paano naman po ako? Hindi niyo po ba ako isasama?" nangilid ang gilid ng mata ko. Iiwan ba nila ako dito? "Oo. Kami lang ng Nanay mo ang babalik ng probinsya." lumapit si Tatay kay Nanay at pinatahan ito. Umiiyak ulit si Nanay. "Bakit naman po kayo lang? Paano naman po ako?" Ngumiti ng bahagya si Tatay. "Mag-aaral ka ulit kasi anak" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ano?! "Tay, alam niyo naman pong ayoko muna. Gusto ko pa po kayo tulungan sa gastusin. Ayoko po. Sama na lang po ako sa inyo" marahas kong pinunasan ang tumutulong luha sa mata ko. Hindi ko alam na nagluluha na rin ako. Nagmamakaawa ako sa kanila na 'wag nila akong iwan at isama na lamang sa kanila. Ayokong mawalay sa kanila. "Anak... makinig ka sa Tatay." hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan ng seryoso. "Mag-aral ka anak. 'Wag mo kaming alalahanin. Kakayanin kong maghanap buhay sa probinsya. Kakayanin namin ng Nanay mo na mabuhay para sa'yo. Ang isipin mo, ang iyong pag-aaral, ang magiging kinabukasan mo. Isipin mo, kapag nakatapos ka ng pag-aaral, makakatrabaho ka na sa mga kompanya na sikat, malaki at may matataas na sweldo. Makakaipon ka pa. 'Wag mo kaming gayahin ng Nanay mo na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ang gusto lang namin ay makatapos ka." mahabang pahayag niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at napatungo. Oo nga naman. Marami akong mapapasukang maayos na trabaho kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral. Atleast, maiaahon ko sa kahirapan ang magulang ko. Tumango ako. Napangiti siya at niyakap ako. Nakiyakap rin sa amin si Nanay. Niyakap ko rin sila pabalik. Maswerte ako sa pamilya kong 'to. Mahal na mahal namin ang isa't-isa at nagtutulungan kapag may problema. Solid! Bukas ko na iisipin kung saan ako manguupahan ng apartment. Napagisipan ko na bukas na kaagad bumalik ng Maynila. __
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD