________________________________________________________________________ #SPG #OverloadSweetness #LatersBaby #HartHartSorry! Wrong update guys hehehehe Chapter 48: Destined [Katherine Chelsea Aguilar] Nang matapos ako sa pagbibihis ay agad akong sumunod kay Skyler sa labas ng kwarto. Nakarinig ako ng ingay na parang nagsisigawan sa may sala. “Nasaan na si Kath?! Bakit ba ayaw mo siyang ilabas, Kuya?!” sigaw ni Charlotte ‘yon ha? “Tss. Can’t you patiently wait for her? Nakakairita na ang bunganga mo.” Pumunta na ako sa kinalulugar nila. Bumungad sa’kin sina Charlotte, Zyron, Joanna, Aki, at Skyler. Nanlaki ang mga mata ni Charlotte ng makita niya ako. “Kath!” sigaw niya at dinambahan ako ng yakap. Muntik pa kaming ma-out of balance kung hindi lang kami inalalayan ni Skyler

