the move

1554 Words
#DumadamovesSiZyron #Ligawan #MoveOn #Lamporeber Comment your thought! Dont forget the RBP!! Like, comment and be a fan! ?Are you reading to hear Skyler's side? Get ready! Maghanda kayo ng tissue kung gusto niyo hehe. Enjoy reading! ? CHAPTER 15: HIS SIDE (PART 1) [Third Person's POV] Pagkatapos maihatid ni Skyler si Kath sa apartment nito ay agad siyang umuwi. Papasok pa kasi siya. Gusto pa sana niyang alagaan si Kath pero pinapasok siya ng kapatid niya. Hanggang ngayon, nag-aalala pa rin siya sa kalagayan nito. Sana naman bukas makapasok na ito. Sabi niya sa kanyang isip. Pagpasok pa lang niya, makikita mo ang pagkatamlay ni Skyler. Walang kabuhay-buhay. Hindi mo siya makikitaan ng kasiglahan. Paano ba naman kasi, wala si Kath ngayon. Kaya buong umaga, strikto siya sa kanyang klase. Hindi man niya gusto pero napapastrikto talaga siya. Inaalala pa rin kasi niya si Kath. Mga bandang hapon, nakatanggap siya ng tawag galing kay Charlotte, kapatid niya. Laking tuwa ni Skyler na gising na ito at maayos na ang pakiramdam. Bumaba na rin sa wakas ang lagnat ni Kath. Makakapasok na ito bukas. Kaya buong hapon, good mood siya sa kanyang klase. Hindi na siya strikto katulad kanina. Nagbibiro na nga siya sa kanyang estudyante eh. Pagkauwi pa lang niya, tinawagan na niya kaagad ang kapatid niya. "Is she okay now?" bungad niya. [Oo nga kuya! Kanina pa! Makakapasok na siya bukas kaya 'wag mo na ako kulitin.] sabi nito. Napangiti si Skyler. "Are you sure about thate she could go to school tomorrow?" ulit tanong niya sa kapatid. [Oo nga! Gusto mo wag ko na siyang papasukin?!] banta nito sa kanya. "Try me. Alam kong papasok siya if you tell her not to come." he said while grinning. [Edi Wow!] At marami pa silang pinagusapan. Nagpaalam na ang kapatid nito dahil tinatawag na ito ni Kath. Nang mag-end ang call nilang dalawa, napangiti siya. Namiss niya ang boses ni Kath. Bukas na bukas may ilalagay siya sa desk ni Kath. Gusto niyang sorpresahin ito. Kinabukasan, maaga siyang pumunta ng University. Buti na lamang konti pa lang ang estudyante sa hallway. Walang makakapansin sa gagawin niya. Kinuha niya ang susi ng classroom at binuksan ang pinto. Agad siyang pumasok pagkatapos ay sinara ito agad. Habang dala-dala ang isang tangkay ng rosas at isang piraso ng papel, lumakad siya patungo sa desk ni Kath at ipinatong ang mga 'yon sa desk. I hope she would love this rose. Just how I love her. Pagkatapos ay umalis na siya ng classroom at dumeretso sa kanyang opisina. ~~~***~~~ Nagbell na. Hudyat na magsisimula na ang klase. Tumayo si Skyler sa kanyang inuupuan at inayos ang mga gamit sa table niya. Sinuot na niya ang kanyang salamin at nag-ayos ng sarili. Confident ito na gwapo siya. At totoo talaga 'yon. Kaya lang naman niya sinusuot ang salamin niya ay pangporma niya lamang 'yon. Dumeretso na siya sa kanyang unang klase. Sa kanyang classroom. Pagbukas pa lang niya ng pinto, bumungad sa kanya ang maiingay niyang estudyante. Natahimik naman ito nang mapansing nand'yan na siya. Dumeretso siya sa kanyang table at nilapag ang mga gamit niya. Hinahanap niya si Kath kung pumasok nga ba ito. At tama nga siya. Namataan niya si Kath na ngumingiti ng mag-isa habang may hawak na isang pirasong papel. Nahulaan naman niya ito kung bakit ito ngumingiti ng mag-isa. It's because of the rose that he gave. Napatingin naman bigla si Kath sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso niya nang magtama ang paningin nilang dalawa. She still had this effect on him. Hindi iyon nawawala kahit nagkalayo silang dalawa. Nag-iwas ng tingin si Kath at pinamulahan ng pisngi. He silently chuckled. She's cute when she blush. He thought of himself. Nagsimula na siyang magklase. Mamayang hapon, may susunod ulit siyang gagawin. ~~~***~~~ Uwian na. Nasa tapat siya ng classroom ni Kath. Hinihintay niyang lumabas ito. Ang mga nagdadaanang estudyante ay napapatingin sa kanya. Nagtataka rin kung bakit naghihintay ang Professor nila sa tapat ng classroom. Nang makita niyang lumabas si Kath ay dali-dali niya itong pinuntahan. Nagtaka naman ito kung bakit niya ito nilapitan. Inabutan niya si Kath ng isang sandwich. Ang ibang estudyante sa gilid ng hallway ay nagbubulungan. Hiyang-hiya naman si Kath dahil pinagchichismisan siya. Aalis na sana ito pero agad naman niya itong hinawakan sa braso at pinaharap sa kanya. Nagsusumamo ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Kath. Pinapahiwatig na tanggapin na lang ito. Natakot siya na baka ayaw nito o hindi nagustuhan. Nakahinga naman siya ng maluwag ng tanggapin na ito ni Kath. Akala pa naman niya hindi ito tatanggapin. No'ng una kasi parang nag-aalinlangan pa no'n si Kath pero mas pinili na lang nitong tanggapin ito. Inalok pa nga niya si Kath na ihatid ito sa gate ng University. Tumanggi si Kath dahil parang nahihiya ito. Kinulit pa niya ito para pumayag. Gusto niya rin kasing makasama si Kath ng medyo matagal. Um-oo naman ito. Bago umuwi si Kath ay binilinan niya ito na mag-ingat sa paguwi. Tumango ito bago tumalikod. Nakatanaw lamang siya sa lumalakad na si Kath. Gusto sana niyang ihatid ito sa kanila kaso baka may makakita sa kanilang estudyante at maissue pa sila. At ayaw niyang mangyari 'yon. Biglang may tumawag sa kanya. Agad naman niya ito sinagot. "Hello?" [Hi Clyde! It's me, Diane.] sagot ng nasa kabilang linya. Nagulat siya. "Diane?" naniniguradong tanong niya. [Yes Clyde!] masayang tugon nito. Napangiti si Skyler ng mapagtanto na si Diane nga ito. Wonder who Diane is? Skyler's ex-fling. "Oh, how are you? Have you been busy this lately?" [Yes. Today I decided to have my rest. And then I remember you, so I called to check you out .] Sa lahat ng naging ex-fling ni Skyler, si Diane lang ang naging close niya."I'm fine. I'm been busy too this lately." [Oh, what are you busy for?] curious niyang tanong. "Well, I'm a Professor in a University." he heard her gasped. [A Professor?! Wow! What University is that??] "In *insert name* University." [Wait I know that University! Maybe I should pay you a visit.] she said. Napatango si Skyler kahit hindi siya nito nakikita. "Sure, why not? Maybe after a couple of weeks you can visit. I have some things to work on this week and I would be busy." sabi niya. Pumunta na siya sa parking lot ng University. [Sure! Expect me to be there Clyde!] "Yeah, sure." [Okay, nice talking to you Clyde! By the way, I miss you!] "Hahaha I miss you too. Bye." [Bye Clyde!] she answered back. And the line went dead. Pagkatapos no'ng tawag ay agad na niyang hinanap ang kotse niya. Pagkakita niya ay agad niyang pinatunog at sumakay. Ini-start na niya ang kotse at pinaandar. Days have passed, laging binibigyan ni Skyler si Kath ng sandwich at isang stem ng rose. Lagi na rin niya hinahatid ito hanggang sa gate ng University. Naging kumportable na rin si Kath sa kanya na ikinatuwa niya. Mas lalo siyang natuwa na walang umaaligid na Zyron kay Kath. Panira kasi lagi 'yon sa mga plano at diskarte niya simula pa lang. Buti na lang may practice ito sa Basketball. Mas naging busy ito. Kaso, nakakasabay naman ito kay Kath kapag wala itong practice o kaya naman break time. 'Yon ang ikinaseselos niya. Mas nakakakilos ng malaya si Zyron kaysa sa kanya. Hapon. Nasa opisina si Skyler. Gumagawa ng lesson plan. Biglang may kumatok sa pinto. Pinapasok niya ito ng walang pag-aalinlangan. "Hi Clyde!" Napatayo sa gulat si Skyler. Si Diane pala ang pumasok. Lumapit naman si Dian sa kanya at nakipagbeso. Umupo naman sa upuan si Diane sa tapat ng kanyang table. "How are you, Babe? You look tired today." nag-aalalang tanong ni Diane sa kanya. Ngumiti lang siya Skyler. "I'm fine." Bumalik naman si Skyler sa pagkakaupo niya kanina. "So, what brings you here?" tanong niya. Napansin naman niyang biglang tumamlay ang masiglang mukha ni Diane. Nahulaan naman niya na may problema ito. "Any problem?" dahan-dahang tumango si Diane. "I'm going back to Paris for good..." malungkot niyang sinabi. Napakunot ang noo ni Skyler dahil do'n. "What? Why?" unti-unti namuo ang luha sa mga mata ni Diane. "M-my grandfather died..." tuluyan na siyang naiyak. Nalungkot naman si Skyler at inalo ito. "I'm sorry..." nagpatuloy lang sa pag-iyak si Diane. "Another reason why I'm going back to Paris for good, is need to handle the Company that my grandfather left..." medyo kumakalma na rin si Diane. He just nodded his head. Matatagalan ang pagkikita nilang dalawa dahil doon na pala maninirahan si Diane. Unti-unting bumalik ang sigla ni Diane dahil chine-cheer up niya ito. Pinapatawa, kinekwentuhan basta mapasaya lang ito. Nang bumalik na ang sigla ni Diane ay may hiniling siya kay Skyler bago siya umalis ng bansa. "Can I ask you a favor, Babe?" "Sure." Sagot kaagad niya na may halong pagtataka. "Can we H.M.O.S before I leave?" H.M.O.S means Hot Make-Out Session. Kaagad naman siyang umiling at nginitian si Diane. "Sorry but we can't do that anymore." Ngumuso si Diane sa kanya. "But why? I kinda miss those moment." Tinawanan na lamang niya si Diane. Ayaw niya dahil inaalala niya si Kath. "Sorry." Natatawa niyang sabi sabay sandal sa upuan. Bigla na lamang ngumisi si Diane sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa kanya sabay halik sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD