fight

1972 Words

Enjoy reading :) Chapter 43: Too Much [Katherine Chelsea Aguilar] Sa mga nagdaang araw, lagi kong napapansin na laging pumupunta ang best friend ni Skyler sa bahay namin. Lagi pinupuntahan ni Lean si Skyler. Hindi ko alam kung bakit. Para namang walang pakialam itong si Skyler kung magpunta ang best friend niya sa bahay namin. Katulad na lamang ngayon. Pagkagising ko, naabutan ko na naman silang dalawa sa sala at nakaupo sa sofa, ewan ko ba pero parang nakita kong hinalikan ni Lean si Skyler sa labi. O baka namamalik-mata lang ako? Bumaba ako para bumati sa kanila. “Hi Kath! Morning!” bati sa’kin ni Lean. Alam ko namang plastic ang pagkakabati niyang ‘yon dahil never kong naramdaman ang pagiging komportable ko sa kanya. Si Skyler hindi man lang niya ako binati o tingnan sa mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD