child hood memories

1009 Words
#ChildhoodMemories #PartOfPast #FirstKissIsReal So far ito po yong pinakamahaba kong chapter! So sana magustuhan niyo siya!! Like, comment, and be a fan!! Team #SkyRine ba kayo? O team #ZyRine?? Eto po official love team nila!! ?????CHAPTER 10: WHAT THE HELL?! [Katherine Chelsea Aguilar] "Kasalanan mo 'to!" bulyaw ko sa kanya. Nakakainis! "I'm sorry okay?" kanina pa siya nagsosorry sa'kin pero hindi ko tinatanggap. Dahil sa kanya nadamay na naman ako. Kung kailan nagkakaayos na ang lahat tsaka naman magugulo. "But I'm not sorry for the insult." napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Sasabunutan ko sana siya kaso nakaiwas siya! Grrr! "Manahimik ka na nga! Kasalanan mo ang lahat ng 'to! Kapag ako nawalan ng Scholarship dahil sayo hindi kita mapapatawad!" sigaw ko sa kanya at naunang maglakad palayo. Bwisit! Pangalawang araw ko pa lang problema agad! "Kath!" sigaw niya sa malayo. Hindi ko siya pinansin. "Kath." iniharap niya ako sa kanya. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. "I'm sorry, Kath. Really, I'm so sorry. I didn't mean to hurt you." sincere niyang sinabi sa'kin. Ngayon lang siya naging ganyan. Puro kasi kalokohan ang alam niyan. Ngayon lang siya nagseryoso sa pagsorry. Haay. Para matapos na ang usapan, "Oo na. Basta 'wag mo nang uulitin iyon." Tumango siya at ngumiti. "Tara, punta na tayo kay Sir." aya ko sa kanya. Naglakad na kami papunta sa Office ni Sir Skyler. Ano kayang gagawin niya sa'min? Naisip ko na baka ipagkakalat niya ito tapos may makakaalam at mai-issue kami ni Zyron tapos bubully-hin nila ako. Haay. Imagination lang 'yan. Hindi agad mangyayari. Nandito na kami sa tapat ng Opisina ni Sir. Kumatok ako, tatlong katok ang ginawa ko. "Come in." aniya sa malamig na tono. Si Zyron ang nagbukas ng pinto. Nauna akong pumasok, sumunod naman siya. Bumungad sa'min ang malamig niyang titig sa'ming dalawa. "Seat down." sabay iminuwestra ang dalawang upuan malapit sa kanya. Agad naman kami umupo do'n. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang nakaupo ako. Ramdam kong nakatitig siya sa'kin. Nakatungo lang ako. "Zyron, I thought you're going to bring her to the clinic? Pero bakit nakita ko kayong dalawa sa isang sulok ng corridor? Worst, naglalampungan pa kayong dalawa do'n." nakataas ang isang kilay ni Sir habang sinasabi iyon. Nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit. "PDA is not allowed inside this University." mariin niyang sabi. Narinig kong napatikhim si Zyron sa tapat ko. Napaangat ako bigla ng ulo. Nakakalokong ngiti ang naglalaro sa kanyang labi. "Really Sir? Should I be the one telling you that PDA is not allowed inside this University?" parehas kaming natigilan ni Sir at nanlaki pa ang mga mata naming dalawa. "What the hell are you talking about?!" sigaw niya kay Zyron. Ako naman ay nakatingin lang sa kaharap ko. "Yesterday. 5:30 pm in the storage room." tila casual lang niya sinabi iyon. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Sir. "You saw us?!" naiinis niyang tanong. Walang bahid na takot ang makikita sa mukha niya. "Oh, I saw everything." he smirked. Dumekwatro siya at humalukipkip. Si Sir naman nakatitig lang kay Zyron na may hindi maipintang mukha. Napatiim-bagang siya. "What are you gonna do? Broadcast it? So that everyone will know about this?" mahina ngunit mariin niyang tanong. Umayos ng pagkakaupo si Zyron at tinukod ang dalawang kamay sa kanyang magkabilang hita. "No, no I'm not gonna tell anyone about what happen yesterday. Unless you're not gonna tell anyone about this matter too." napakuyom na lang ng kamao si Sir. Bakit kaya siya nagagalit? Siguro ayaw niya lang ma-issue katulad ko. Kasalanan naman kasi niya. Hinila pa ako sa loob ng storage room. Ayan tuloy, may nakakita sa kanya. "And one more thing," habol pa nito. "'Wag mo kaming pakialaman kahit na anong kilos ang gawin namin. Kahit PDA pa iyon." anong PDA pinagsasabi nito? Nakatitig lang ako sa kaharap ko na may naiiritang tingin. Nginitian niya lang ako. Napabaling naman ako kay Sir na ngayon ay nagdadabago tumayo sabay talikod sa'min. Tumataas-baba ang kanyang likod na parang hinahabol ang kanyang hininga. "Sige, basta 'wag na 'wag mo lang ipagsasabi ito sa iba ang nalaman mo. Ayokong ma-issue si Kath." concern niyang sabi. Feeling ko nagtatalon ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ayaw niyang maissue ako? Wow. "Sure, Sir. Let's go, Kath." hinila ako ni Zyron palabas ng Office ni Sir. Nilingon ko si Sir. Nakaupo na siya sa kanyang desk at nakatingin lang sa amin. Ewan ko ba pero nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit? Bakit Sir? Bakit kayo nalulungkot? Bakit kayo nasasaktan? Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko. ~~~***~~~ [Third Person's POV] Tinitigan lamang ni Skyler si Kath habang lumalabas ito ng opisina. Nag-iwas siya ng tingin. Ayaw niyang ipakita na nasasaktan siya sa nangyari ngayon. Base on her expression, alam niyang nalaman nito ang nararamdaman niya. Sorrow and pain. 'Yan ang mababasa sa mga mata ni Skyler habang nakatitig kung paanong alalayan ni Zyron lumabas si Kath ng silid. Kanina pa siya nagpipigil suntukin ang gagong 'yon. He knows he's blackmailing him. Gusto nitong 'wag niyang pakialaman silang dalawa ni Kath. Isipin pa lang niyang magkasama silang dalawa umuusbong ang galit at selos sa kanyang dibdib. 'f**k that', he cursed mentally. Kung nag-ingat lang sana siya, hindi sana ito mangyayari. Pero nangyari na. Paano kung meron pang nakakita sa kanila doon? Tiyak na ngayon pa lang kalat na 'to sa buong University. And he don't want that to happen. If that happens, he will f*****g do everything just to clear her name, kahit pa na masira pa ang career niya. Because he f*****g love her, so damn much. Kahit kinalimutan siya nito, hindi pa rin siya titigil mahalin ito. Kahit sobrang sakit ang nararamdaman niya dahil kinalimutan siya ni Kath, hindi pa rin siya titigil. He never stop loving her. Gano'n niya ito kamahal, higit pa sa buhay niya. Handa niyang i-alay ang mundo niya para kay Kath. Handa rin niyang i-alay ang buong pagkatao niya para rito. At handa rin siyang magpakamatay para sa mahal niya. _
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD