CHAPTER 02

1832 Words
"Dismiss," anunsyo ng prof. Sandali ko pang kinopya 'yong nakasulat sa board bago tumayo. Tama nga si Ryo, hindi ko nga siya kaklase. Buong maghapon ay hindi ko naman siya nakita sa classroom. Bakit ba kasi siya nakaupo sa bleachers? Malamang nandoon kami nag gagawa ng project. Kainis. Lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa na makalapit sa kaniya. Ipinahiya ko pa ang sarili ko kahapon. Tamad na lumakad ako palabas ng classroom habang tinitignan ang laman ng kaha ko. Sobrang stress ko ngayong araw dahil sa dami ng kailangang ipasang requirements. Papalit na kasi ang midterm exam kaya kailangang mag hapit. Hindi ko naman namalayan na dinala na ako ng paa ko sa basketball field kung saan wala namang masyadong tao. Nasa likod kasi ito ng nagtataasang buldings ng university. Dalawa ang field sa university na 'to. Ang isa ay 'yong nasa harapan kung saan may 200 meters at football field. Dito naman sa likod ay ang sa basketball na madalas ay walang tao. Perfect na lugar para mag alis ng stress. Sumandal ako sa pader at sinindihan ang sigarlyo. Kasabay n'on ay inilabas ko ang aklat na kailangan kong reviewhin. Mas gusto ko na mag review dito kaysa sa bahay na ang dami kong kailangang gawin o kaya naman ay sa kuta na ang ingay naman ng gang. "Yes Dad, sorry..." Nag angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Mabilis naman na pinatay ko ang sindi ng sigarilyong hawak ko at itinago ang upos sa likuran ko. Si Ryo. Mabilis akong umayos tayo, umaasang mapapansin niya ngayon na wala na siyang kausap at nag lalakad na lang padaan sa direksyon ko. Sa totoo lang, nasusura ako sa sarili ko dahil sa ginagawa ko pero wala akong choice. "Ehem," ismid ko nang muntik na niya akong lampasan habang nakatingin sa cellphone niya. Natigilan siya kaya napasulyap ako sa kaniya dahilan para magtama ang paningin namin. Agad naman akong nailang sa hindi malamang kadahilanan. "H-Hi," tanging nasambit ko para kahit paano'y mabawasan ang bigat ng ambiance sa paligid. Ibinaba niya ang cellphone niya at nakapamulsang nag lakad sa harap ko. "Sinusundan mo ba 'ko?" masungit na tanong niya. Ang kapal naman ng mukha nito. Kung sa akin lang ay hindi ko naman talaga siya papansinin. Hindi ko naman siya type, ang kapal pa ng mukha. "Hindi, bakit naman kita susundan?" sagot ko, hindi maitago ang pagkairita kahit na alam ko na dapat akong maging mabait sa kaniya. "You're at everywhere I go," aniya at tumaas ang kilay. Ramdam ko ang angas niya, mas maangas sa 'kin. "Coincidence," I replied. A smirk plastered on his lips. Naiinis ako pero wala akong nagawa. Madalas kapag nagagalit ako ay inilalabas ko agad, kaya mahirap sa akin ang magpigil ng inis ngayon. "Stop it, you're annoying," aniya at tinalikuran ako. Napapikit ako sa inis. Ayokong sayangin ang pagkakataong ito. Bawat oras ay lumilipas at walang panahon ang dapat na masayang. "Sandali," I, again, swallowed my pride. Lumingon ako sa kaniya na natigil din sa paglalakad. "Oo na, sinusundan na kita. G-gusto ko lang naman na mapalapit sa 'yo," saad ko habang pilit na inilalabas ang kahinhinan na hindi ko naman talaga taglay. I heard him chuckled and turn to see me. "Mapalapit?" natatawang saad niya. Lumakad siya muli papalapit sa akin. Annoyance was very evident on his face, na para bang naiinis siya sa sinabi ko. "Transfer ka ba? Hindi mo ba 'ko kilala, o bobo ka lang?" Napakasama naman ng ugali nito. "I mean what I said, hindi ako transfer at hindi rin ako bobo," sagot ko. "Then, you must don't know me," aniya. Hindi ko alam kung ano'ng pinupunto niya at kung ano'ng issue niya sa sinabi ko. Siguro naman ay hindi lang ako ang babae sa university na 'to ang gustong mapalapit sa kaniya, 'di ba? "I do," I replied. Mas lalong sumama ang tingin niya. Nagdulot iyon sa akin ng kakaibang kaba at panlalamig ng katawan. Mukhang hindi ko pa nga siya lubos na kilala. Halos mapasigaw ako nang marahas niyang hilahin ang kamay ko papunta sa hindi ko alam. Nag panic agad ako pero masyado siyang malakas at wala akong nagawa nang marahas niya akong dalhin sa parking. Pilit kong tinanggal ang kamay niya at sa wakas at nag tagumpay ako. "A-ano ba?!" inis na tanong ko. Napatingin naman siya sa kamay niya na tinanggal ko sa braso ko. Sandali siyang natitig doon at muling humarap sa akin. "Sabi mo gusto mong mapalapit sa 'kin, 'di ba?" aniya at muling kinuha ang kamay ko para ipasok ako sa sasakyan niya. Wala na akong nagawa kundi panuorin siyang umikot papunta sa driver's seat. "Tighten your seatbelt kung gusto mo pang mabuhay," wika niya kaya naman mabilis kong isinuot ang seatbelt. Knowing kung gaano siya ka-bayolente dahil sa ginawa niya sa 'kin kanina. Nanaig ang katahimikan sa loob ng magara niyang sasakyan. Wala rin akong mahanap na salitang sabihin sa nga pagkakataong ito. Ilang beses akong sumulyap sa kaniya na seryosong nag mamaneho na para bang wala siyang sakay dahil sa pagiging tahimik niya. "S-saan mo 'ko dadalhin?" tanong ko nang hindi na matiis ang katahimikan. Sanay ako sa ingay at gulo. Ganoon ang kinalakhan kong kapaligiran e'. Kagaya ng inaasahan ay wala naman akong nakuhang matinong sagot mula sa kaniya. Hinayaan ko na lang na lumipas ang oras hanggang sa muli siyang mag salita. "Baba," utos niya na hindi agad nag sink in sa akin. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid bago tuluyang lumabas. Nasa tapat kami ng isang magarang mansion. Kung sino ang may ari ay hindi ko alam. Naglakad siya papasok sa mansion na iyon habang ako ay nanatili sa kung saan ako nakatayo. Hindi ko alam kung dapat ba na sumunod ako o hintayin ko na lang siya rito na makalabas. Hindi naman niya kasi sinasabi. "Hoy, ano'ng plano mo? Tatayo ka na lang diyan?" tanong niya mula sa malayo. Inayos ko ang sarili ko at marahang nag lakad papalapit sa kaniya. Umay. Pati ba naman lakad ko kailangan kong baguhin kapag naka-harap siya. Kailangan maging mahinhin at babaeng-babae. Hirap mag panggap. Muli niyang kinuha ang braso ko at kinaladkad ako papasok ng mansion na iyon. Bahala na. Kung anuman ang gawin niya, kaya ko namang lumaban. Maiintindihan naman ni Jeuz kung mag mission failed ako dahil sa pag protekta sa sarili ko. Halos mahilo ako sa laki ng bahay. Nakita ko na lang na nasa isang kwarto kami, malaking kwarto na parang living area kung saan naka-tambay ang ilang lalaki. Hindi lingid sa kaalaman ko na kaibigan niya ang mga iyon. Gang members. Finally met them. Laglag ang pangang tinignan nila ako. Hindi maitatago ng magagarang pananamit nila ang pagiging masama ng ugali nila. Ramdam ko 'yong 'gangster-aura' mula sa kanila. "Tol, nag dala si Ryo ng babae," saad ng isa sa isa pang kasama na parating galing sa kung saan. Kaniya-kaniya silang focus sa kung anuman ang pinagkaka-abalahan nila. Umupo si Ryo sa isang couch malapit sa isang maibigan. Sumandal siya at mukhang stress na stress na pinisil ang bridge ng ilong niya. "First time, dude," saad ng katabi niya. Nanatili ang tayo ko sa kung saan ako iniwan ni Ryo. In short, naka-harap ako sa kanilang lahat ngayon na para bang kinikilatis nila ang pagkatao ko at binabalikan ang nakalipas na mga taon sa buhay ko. Awkward, and uncomfortable. Nakakainis. Para akong babae na binebenta niya. "Saan mo nakuha?" "Sa university. Hindi ko alam bakit ko dinala," sagot ni Ryo na isang malaking insulto sa pagkatao ko. Para bang sinasabi niyang hindi niya sinasadya na makaladkad ako. Ano ba'ng tingin niya sa 'kin?! Konti na lang talaga, makakatikim na 'to sa 'kin e'. Tumayo si Ryo. "Bahala na kayo riyan," aniya at nag lakad paalis. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Mabilis akong nag lakad para harangan siya sa pag alis. "Uuwi na 'ko," saad ko. Nakita ko naman ang asar niyang tingin sa akin. "Hindi ko alam kung bakit mo 'ko dinala rito, pero uuwi na 'ko!" pag uulit ko. "E'di muwi ka," sagot niya. He's really pushing me into my limits. I just can't help myself but to slap him. Bagay na agad kong pinag-sisihan. Bakit sampal? Dapat sinapak ko e'. Agad na namula ang mukha niya sa galit. Mula sa pagiging tigre ay nanliit ako nang sunod-sunod siyang mapamura at kinuwelyohan ako. Halos i-angat niya ako sa sahig. Ramdam ko ang hirap sa paghinga dahil nasasakal ako ng sarili kong kwelyo. "Sino ka sa tingin mo para gawin sa 'kin 'yon?! Hindi mo ba talaga ako kilala?!!" galit na sigaw niya at marahas akong isinandal sa pader habang hawak pa rin ang kwelyo ko. Hindi ako makasagot dahil sa nasasakal ako. Nabalot ng kaba ang sistema ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumaban o hayaan na lang na masaktan ako. Fail na ba? Naman kasi, bakit ba ang short tempred ko?! Sa pagkakataong ito ay umaasa na lang ako na aawatin siya ng mga kaibigan niya, pero nagulat ako nang isa-isa silang nag labasan para iwan kami sa kwartong ito. "Do you really want to know who I am?!" tanong niya, hindi pa rin ako binibitawan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya dahil sa galit. "I'm s-sorry," I apologized beyond my pride. This is the only way I can fix this. Umarte ako na mahinang-mahina at sising-sisi sa ginawa kahit na umay na umay na ako sa ginagawa ko. At this time, all I want for him is to let go of me. I'm choke. I think it worked. Binitawan niya ako, kasabay niyon ang pag salampak ko sa sahig. Napahawak ako sa leeg ko para habulin ang hininga ko. Umupo siya para mag pantay ang paningin namin. Handa na akong masaktan sa kung ano pang gagawin niya. "This is who I am, Nami. Now, do you still want to get closer to me?" tanong niya. Hindi na ako nag isip. I don't want to be closer to him—I needed. Kailangan kong mapalapit sa kaniya at makuha ang loob niya. "I still," I replied gamit ang natitirang lakas sa aking katawan. Tinignan ko siya at doon ko muling nakita ang hindi mabasang expression ng mata at mukha niya. Napailing siya at maangas na tumayo at lumakad palabas ng kwarto. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Tss," asik ko at mabilis na tumayo na para bang walang nangyari. Inayos ko ang damit ko kasabay ng pag kuha ng bag ko. Badtrip, bakit ba kasi sumama pa ako sa kuta ng leon. Nakakainis lang at wala akong nagawa para lumaban. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ko dinepensahan ang sarili ko. Inilibot ako ang paningin ko sa paligid bago pagpasyahang lisanin ang lugar na 'yon. Hindi ko na inantay pa si Ryo dahil hindi na ako umaasa na ihahatid pa niya ako pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD