"I should've listened to you first," he said after hearing my explanation. Hindi ko inasahan na maiintindihan niya ako. "I understand. Kahit sino magagalit dahil sa ginawa ko. May kasalanan din naman ako," I said. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. "But Ryo, everything that I said about my feelings for you, every affection that I showed, all of those are real. Hindi 'yon parte ng plano. It's unexpected, but you made me fall," I said. Sa totoo lang nakakatawa. Ako ang nahulog sa sarili kong patibong. "Believe me or not, totoo 'yon. Sa kabila ng lahat ng nagawa ko hindi na ako umaasa na mapapatawad mo 'ko o mabibigyan mo 'ko ng pagkakataon, pero heto ka...salamat." "Gan'on yata talaga kapag mahalaga sa 'yo ang isang tao. Kahit ano pang nagawa niya, mapapatawad mo.

