CHAPTER 04

1910 Words
"Hi, Ryo!" masayang bati ko kay Ryo na kalalabas lang sa room nila kasabay ng ilang estudyante. Break time na rin kasi, ewan ko nga kung bakit late sila pinalabas. Kanina pa ako nag hihintay rito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginawa 'to. Abangan siya sa classroom nila tuwing break time para kulitin siya. Kumunot ang noo niya nang makita ko. "Ikaw na naman," malamig na tugon niya at tinalikuran ako. Napangiwi na lang ako at sumiring bago sumunod sa kaniya para kulitin siya. "Ryo, busy ka ba?" tanong ko habang humahabol sa kaniya. Hindi pa rin niya ako pinansin. "Saan ka ba kasi pupunta--" "Ang kapal." Natigilan ako sa bulong na iyon ng isang babae na nasa hallway din. Napansin ko naman na halos lahat ay nakatingin sa akin at sa ginawagawa kong pag habol kay Ryo. Umay. Ano ba'ng pakialam nila? Bigwasan ko kayo e'. Hahabol pa sana ako kay Ryo na nakakalayo na nang harangin ako n'ong babaeng nag salita kanina. Ang angas ah. "Sino ka?" tanong niya sa maarteng tono ng boses. Sinilip ko muna kung nasa hallway pa si Ryo at nang makitang wala na siya ay saka ako sumagot. "Pake mo?" saad ko dahilan para mas lalong mainis ang hitsura niya. "Tabe nga," saad ko at sinagi siya para umalis sa landas ko. "Ang yabang mo ah!" saad niya, kasunod n'on ay ang paghila niya sa buhok ko para iharap ako sa kaniya. Napa-irap ako. Hindi talaga mawawala ang kotrabida sa mga eksena. Napapanood ko lang 'to sa mga drama noon. "Sino ka ba sa tingin mo, ha?" tanong niya habang hila-hila pa rin ang buhok ko. Hinayaan ko lang siya habang pilit na pinipigil ang sarili ko, iniiwasan na masaktan siya. Pasalamat siya nasa mood ako ngayon. "Bitiwan mo 'ko," malamig na tugon ko pero mas lalo niya akong sinaktan. "Akala mo kung sino ka. Transfer ka ba? Hindi mo 'ko kilala? Hindi mo kilala si Ryo?!" gigil na gigil na saad niya. Natawa na lang ako. Ganoon ba talaga ako ka-invisible sa school na 'to? Wala man lang nakakakilala sa 'kin. Ngayon, mag babago na ang lahat. Very well, Naomi. You just ruined your perfect peaceful life in this university. "Ah--" Napangiwi ako nang maramdaman ang seryosong sakit na naidulot niya. Galit at mariin kong hinablot ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang buhok ko. Kinuha ko ang kwelyo niya para ilapit ang mukha niya sa akin. Narinig ko ang ilang reaction ng mga tao sa paligid pero wala akong pakialam. "Wala akong pake kung sino ka sa mundong 'to. Wala akong ginagawa sa 'yo kaya tantanan mo 'ko," bulong ko sa mukha niya, sapat para marinig niya. Kasunod noon ay itinulak ko siya palayo sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at umalis. Kaawa siya kung wala ako sa mood. Hahanapin ko na lang ulit si Ryo. Ang hirap pa namang hagilapin n'on. Epal kasi n'ong babaeng 'yon, e'di sana hindi na ako nahihirapang mag hanap ngayon. Napabuntong hininga na lang ako matapos tumakbo para habulin si Kael, pero nakalabas na ako ng building at hindi ko pa rin siya makita. "Tsk." Umiling na lang ako habang patuloy na inililibot ang paningin sa paligid. Sayang 'yong kalahating oras kong pag aabang sa kaniya sa labas ng classroom nila. Ikinain ko na lang sana. "Ano ba'ng kailangan mo sa 'kin?" Napalingon ako sa boses na iyon mula sa likod ko. Hindi ko alam kong ano'ng reaksyon ang dapat na lumabas sa mukha ko kaya naman ngumiti na lang ako. "Ryo," tawag ko sa kaniya na nakasandal ngayon sa pader habang tamad na nakatingin sa kung saan. "Hinintay mo 'ko?" tanong ko pa, pilit na ikinukubli ang katotohanang wala naman talaga akong pakialam. Sa wakas ay ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Muling nag tama ang mata namin at nag dulot 'yon sa 'kin ng kakaibang pakiramdam sa unang pagkakataon. Hindi ako makagalaw. I forced smile. "How many times do I have to hurt you para lang layuan mo 'ko?" tanong niya at lumakad palapit sa akin. Seryoso ang tingin niya at kakaiba ang aura niya. Nakaramdam ako ng kaba. "I-I already told you Ryo, I like you for who you are," sagot ko. Kailangan talaga mag english para maging feminine e'. "I don't care. Just stay away, will you?" inis na saad niya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-irita. "Ryo naman," sasagot pa sana ako nang lampasan niya ako. Inis akong tumalikod para sundan siya ng tingin. "Ano ba'ng kulang sa 'kin?! Ryo!" Nasiring na lang ako sa inis. Nauubusan na ako ng pasensya sa taong 'yon. Ilang beses na niya akong ginanito, ilang beses na rin niya akong sinaktan sa pisikal. Ilang beses ko na siyang inabangan sa room nila at inaya siyang mag lunch. Ibinaba ko pride ko para lang makuha loob niya pero wala talaga. Pagod na inihagis ko ang bag ko sa kama. Natigilan ako nang mapansin ang sarili ko sa salamin. I'm wearing my usual outfit. Jeans and a simple polo shirt, minsan t-shirt lang. Casual lang naman kasi ang school outfit namin. Hindi na kailangan ng uniform. Maayos naman hitsura ko ah? Hindi rin naman ako sinasabihan ni Jeuz na magbago ng style. He loved me for who I am regardless of what I am wearing. I sigh. Whatever. Humiga ako sa kama sabay kuha ng cellphone ko. Cellphone na binili sa 'kin ni Jeuz. Malapit na akong sumuko kay Ryo, sa totoo lang. Pumunta ako sa google to search, "How to make a guy fall?" As expected, maraming result ang lumabas pero napako ako sa suggestion na, 'wear a clothes that you know he would like, wear a perfume that you know he adores.' Napangiwi ako at mabilis na dumako sa cabinet ko. Laglag ang balikat ko nang mapagtanto na wala naman akong maayos, girly, at fancy na damit. I always wear jeans and a top para kung mapa-away man e' hindi mahirap kumilos. Kilala pa naman ako sa lugar namin na syota ng gangster. Marami ring kaaway si Jeuz na sa akin gumaganti. This is so hard. Kailangan ko ba talagang baguhin pati pananamit ko para lang sa taong 'yon? Pero, desperada na 'ko. Para 'to kay Jeuz, sa taong mahal ko. I want to make him proud and happy. Kinuha ko na lang 'yong ipon ko na nasa ilalim ng cabinet. Ipon ko 'to para sa pagco-college ni Rylen pero babawasan ko na muna para makabili ng damit. "Ate saan ka pupunta? Gabi na ah?" tanong ni Rylen nang makasalubong ako sa sala. Hindi ko na siya pinansin at nag madali na lang pumunta sa night market malapit sa amin. Syempre hindi naman ako bibili ng damit sa mall 'no. Tiangge lang ayos na! "Noemi, bagong dating 'yang mga polo shirt ko riyan, baka gusto mong mamili ulit?" Kumunot ang noo ko sa sinabing 'yon ni Aling Mirna. Kilala ko siya dahil nakatira siya malapit lang sa amin. Lagi niya akong tinatawag na Noemi. Masyadong nakakatanda. "Aling Mirna, m-may d-dress po kayo?" nag-aalangang tanong ko. Medyo nahihiya rin ako lalo na nang makita ko ang hindi maipintang reaksyon ni Aling Mirna. -- Tulala ako sa sarili ko sa salamin habang suot ang off-shoulder fitted dress na half legs ang length. Old rose ang kulay dahilan para mas ma-flex ang kaputian ko. Marahan kong hinila ang tali na laging naka-tali sa buhok ko. Madalang akong mag lugay ng buhok, laging nakatali kaya hindi maitago ang pagka-singkit ng mata ko. Parang hindi ko yata kaya. Napatalikod na lang ako at ibinagsak ang sarili ko sa kama. Hindi ko talaga kaya! Hindi ko kayang lumabas ng ganito ang suot, hindi ko kayang pumasok! Magpapalit na 'ko! Determinado akong tumayo para mag palit ngunit nang saktong pagdako ng mata ko sa pinto ay nakita ko si Rylen na gulat ang expression. "Ate?!" gulat na tanong niya. Agad naman akong nakaramdam ng hiya at mabilis siyang pinalabas. "Bastos ka talaga, bakit hindi ka kumakatok, ha?!" inis na saad ko at pinagbagsakan siya ng pinto. Katahimikan ang namutawi bago ko narinig ang malakas niyang halakhak sa labas. "Ryle!" saway ko. Nasa labas pa rin siya ng kwarto ko. "Ate patingin ako, isa pa, please!" aniya na nag pipigil ng tawa. "Nakakainis!" bulyaw ako. Mala-late na 'ko, kailangan ko na mag palit. Masamang tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maya-maya pa'y muli kong narinig na nagsalita si Rylen. "Ate, ang ganda mo." Napa-irap ako. "Manahimik ka, mag papalit na ako!" "Ate, sorry na tumawa ako. Patingin ako, please," saaad niya. Hindi pa rin talaga siya umaalis. Bumuntong hininga na lang ako at binuksan ang pinto para makapasok siya. "Oh, tatawa ka na naman?" pagsusungit ko. "Alam ko hindi bagay sa 'kin. Kaya nga mag papalit na 'ko oh." "Bagay naman sa 'yo," sagot niya at humiga sa kama ko. Kunot-noo ko siyang tinignan. "E' bakit ka tumawa kanina?" "Hindi lang ako sanay na ganiyan ang suot mo, pero bagay naman," saad niya. Hindi ko alam kung niloloko niya ba ako o bino-boost lang niya confidence ko. Muli akong napatingin sa salamin. "Mala-late ka na," aniya na hindi ko pinansin. Tulala lang ako sa sarili ko hanggang sa unti-unti akong uminam sa paningin ko. "Alas otso na." Pilit akong ngumiti. "Mukha kang aso sa ngiting 'yan." Mabilis na dumako ang kamay ko sa mga unan na nakasalansan sa gilid ko at pinalipad 'yon sa mukha ng epal kong kapatid. "Kanina ka pa comment ng comment!" inis na saad ko at saka kinuha ang ID at bag ko para maka-alis. Nang martsa ako palabas ng kwarto at iniwan siya roon pero bago ako tuluyang makalayo ay muli kong narinig ang rebat niya. "Ayusin mo lakad mo, utol!" sigaw niya at malakas na tumawa. Doon ko napagtanto na medyo hindi nga bagay ang lakad ko sa suot ko. Napakamot na lang ako ng ulo nag nagsimulang lumakad sa nararapat na paraan. Kagaya ng inaasahan ay hindi ko natakasan ang pang-aasar ng mga tambay dito sa amin. Hindi ko na lang sila pinansin at mabilis na sumabit sa Jeep patungo sa university kagaya ng lagi kong ginawa. Napangiwi ako nang maramdaman ang pagiging hindi kumportable sa posisyon ko dahil sa hinahangin ang suot ko. Wala akong choice kundi ang pumasok na lang sa loob. Hindi naman ako na-traffic kaya nakarating agad ako sa university. Ewan ko pero iba talaga ang pakiramdam ko sa araw na 'to. Feeling ko bagong tao ako. Idagdag mo pa 'yong nga tingin ng schoolmates ko na tila ba ngayon lang ako nakita sa university. "'Di ba 'yan si La Torre, sa bloc natin?" Hindi ako sanay sa ganitong atensyon. Sanay ako na parang hangin lang ako na dumadaan at walang may pakialam sa akin. "Sure ka sa engineering 'yan? Wala namang maganda sa bloc natin ah?" "Ako, hindi?!" Hindi na pinakinggan pa ang ibang usapan nila. Mas tumintindi ang kabog ng dibdib ko at mas lalo akong nilalamon ng hiya sa pagkatao ko habang papalapit ako sa building kung saan may sandamukal na chismosa sa hallway. Tumigil muna ako sandali para palakasin ang loob ko. Okay lang 'yan, Naomi. Para kay Jeuz, para sa mahal mo. Humakbang ako papasok ng building pero natigilan ako nang tumama ang paningin ko sa isang lalaki na palabas ng building. Ryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD