"Be my date on the majestic ball," aniya. Humugong ang hiyawan at bulungan sa paligid. May ilang nasa room ang lumabas pa para lang panoorin ang nangyayari.
Ako? Naiwan akong nakatulala sa mga mata niya habang pinoproseso ang nga sinabi niya. Hindi ko maintindihan, why would he ask me to be his date?
Isa pa, "I-Im not a-attending--"
"Yes, it's a yes for her, Ryo!" Nagulat ako sa sinabing iyon ni Kevin. Naguguluhang tinignan ko siya pero nginitian lang niya ako at pilit na pinu-push para pumayag.
"Good to hear," sagot naman ni Ryo at saka muling nag lakad paalis. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa mawala at saka muling bumaling kay Kevin.
"Ano 'yon, p're?!" inis na tanong ko. "Alam mo naman na hindi ako aattend 'di ba?" dugtong ko pa habang pilit na pinapakalma ang sarili. Sapakin ko kaya 'tong si Kevin? Isa lang.
"Sorry na, but can't you see? Chance mo na 'to para mas mapalapit kay Ryo. 'Di ba gusto mo naman siya, so why not? Makaka-date mo na crush mo, magkaka-plus points ka pa. Win-win, Nams!"
Napanganga na lang ako sa mga sinabi niya.
"You're unbelievable," saad ko at iniwan siya. Dumiretso na ako sa upuan ko at nag handa para sa mga subjects. Mamaya ko na lang kakausapin si Ryo. Puwede ko pa naman sigurong bawiin 'yon 'di ba? Isa pa, hindi naman ako ang um-oo.
Badtrip.
I heard my phone vibrated.
[Jeuz: Babe, I'm at your house, visiting your mom. Sorry didn't tell you earlier. Do good at school, I love you!]
Natigilan ako nang mabasa 'yon.
"Aish!" I exclaimed. Everyone looked at me but I just ignore them. Maybe I should just thank Kevin for saying yes in behalf of me. Atleast I saved my pride.
So it's final, I'm attending the majestic ball for the first time in my entire life.
"What am I gonna wear?!" stress na saad ko habang kumakain kami ni Kevin sa fishball-an sa tapat ng university.
"Anything simple yet elegant! Hindi mo naman kailangang magpa-bongga d'on kung hindi 'yon 'yung personality mo," aniya sabay inom ng palamig.
Napanguso na lang ako. Alangan namang suotin ko 'yung lumang saya ni mama 'di ba? Ang egul naman n'on.
Saan naman ako kukuha ng simple yet elegant na sinasabi niya? Sa divisoria ni Aling Mirna? E' puro polo-shirt tinda n'on eh!
"Ngusto mo 'teh, puwede nang sabitan ng kaldero," komento ni Kevin sa pagkakanguso ko. "Ang haba eh. Ay nako, huwag kang mag alala, nandito naman ako. I dragged you into this, so hindi kita pababayaan!" aniya. Napangiti na lang ako sabay kain ng fishball.
Hanggang ngayon ay hindi ko maalis ang titig ko sa damit na napili ni Kevin para sa akin. Hindi ko naman na kakaiba pala ang depinisyon niya ng simple. Parang gown na 'to ni Cinderella e', hindi nga lang masyadong mabuka.
Sky blue siya na longsleeve, pero hindi naman talaga longsleeve kasi loose at may malaking butas 'yong sleeve para labas pa rin ang braso ko. Layered ang cut ng niya pababa, parang ang gulo pero ang gandang tignan. Ang hirap ilarawan pero kumportable naman sa pakiramdam isuot.
Hindi ko makakalimutan kung paano paulit-ulit na tinawaran at binarat ni Kevin 'yong tiya niya na tindera sa divisoria para lang pumasok sa budget ko 'tong damit na 'to.
Hindi ko na inabala pa si Kevin para tulungan akong mag-ayos ng sarili ko. Alam kong busy siya dahil kasama siya sa organizers ng magaganap na event.
I sigh and move my eyes to the mirror beside me. I'm currently watching some makeup tutorials. Mamaya na kasi ang majestic ball at heto ako, hindi alam ang gagawin sa mukha ko.
Pangatlong try ko na 'to. Halos mabura na ang mukha ko kakatanggal at lagay ulit ng makeup. Bumili pa ako nito e' isang araw ko lang naman gagamitin.
"Aish!" inis na saad ko nang lumagpas 'yong eyeliner. Awit talaga oh!
Hindi ko na napansin kung ilang oras akong nag-practice bago maligo at sa wakas ay iaapply ko na ang final makeup look ko mula sa napakaraming drafts.
Hindi ako puwedeng magkamali.
And so I started putting cream and powder on my face as a 'primer ' kuno. Concealer to cover up some dark spots, lalo na eyebags ko. Umay, reward 'yan ng kasipagan ko sa pag-aaral! Then I started working on my eyes. I apply nude color of eyeshadow. Dalawang color lang, dark sa loob and 'yung medyo light ay sa labas. I then put a white color serves as the highlight, sa gitna.
Sobrang konti lang ng layers na ligay ko. Ayoko rin kasi ng makapal na makeup. Saka hindi ako sure kung babagay ba 'tong looks na 'to sa damit ko.
I curled my lashes and out some mascara. I then work on my eyebrows na wala namang masyadong kailangang galawin dahil maayos naman ang kilay ko. Konting highlights na lang and finally the lips.
And that's it, for my hair, dahil humaba na rin 'yong buhok ko mula sa laging maigsi. Nawala kasi sa isip ko 'yung gupit-gupit. Tinirintas ko na lang 'yong buhok ko at saka kumuha ng ilang strand ng buhok para kunyari messy.
Lastly, I wore the dress.
I looked at myself in the mirror.
Ako ba talaga 'to?
Ang ganda ko 'teh. Crush ko na sarili ko!
Mula sa boyish, siga, at maangas na babae into a disney princess—charot. Pero seriously, I never knew I could be look like this. Mukhang babae for the first time.
"Oh no, you can't cry, Naomi," I said and called Rylen para ipakita ang hitsura ko. Kagaya ko ay mangha rin siya at hindi makapaniwala.
"Aattend ka talaga ng majestic ball?!" aniya at lumapit para hawakan ang noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat ano? Kinakabahan ako sa 'yo. You're acting strange lately. Hindi ko alam kung nagbabagong buhay ka na o tinatamaan ka lang ng puberty. Medyo late ha," aniya. Natawa na lang ako.
"Ano, ihahatid mo 'ko ha," saad ko habang kinukuha ang ilang gamit.
"Sino ba date mo, bakit hindi ka sunduin?" tanong niya. Natigilan naman ako.
"Gan'on ba 'yon?" tanong ko.
Nanlaki ang mata niya. "So may ka-date ka nga?! Sumbong kita kay Kuya Jeuz!"
"Sumbong mo! Samahan pa kita!" sagot ko.
"Oh, sana all confident."
"Tara na. Hindi naman ako masusundo n'on. Hindi siya gentleman at isa pa, hindi naman niya alam ang bahay ko!" sagot ko. Hindi na sumagot si Rylen at bumaba na kami. Nasa kuwarto si mama, nagpapahinga at hindi na ako nagpaalam. Wala akong balak.
"Hoy Ryle, bilisan mo, mala-late ako!" sagot ko ngunit agad na natigilan nang marinig ang katok sa pinto. Nagkatinginan kami ng kapatid ko na malapit sa pinto.
Kumunot noo ko. "Buksan mo," saad ko at lumapit sa table para uminom ng tubig bago umalis.
"A-Ate..."
"Oh, labas na, tawag kang taxi!" sagot ko sabay pahid ng bibig. Medyo nabasa kasi nung uminom ako.
"Hi," my eyes grew bigger as I heard thag faimilar voice that usually makes my heart flutters.
Mabilis na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at hindi nga ako nagkamali.
"R-Ryo?!" gulat na saad ko. Paano niya nalaman bahay namin?!
"Siya 'yong date mo, ate?" tanong ni Rylen pero hindi ko na sinagot pa. Lumabas na agad ako dahil ayokong magtagal pa si Ryo kasama si Rylen. Baka may masabi si Rylen tungkol kay Jeuz, e'di lagot na.
Gusto kong matawa sa kung paano pinagsiksikan ni Ryo ang sasakyan niya sa maliit ng daan ng kalye namin. Gayunpaman ay pinili kong manahimik hanggang sa tuluyan kaming makalabas tungo sa highway.
I still can't speak, mula pa kanina. I didn't even greet him. Nevermind, I'm used to it. I can stand without speaking all day. Try me, Ryo.
He then cleared his throat. "I don't know your number, so I just came without a prior notice," he said.
I glanced at him. "Uhm, it's okay. Just don't do it again. I don't like it when someone comes to my place. Hospitality isn't my thing," prangkang tugon ko. Totoo naman 'yon. There's no point of lying with regards to that para lang bumango ang pangalan ko sa kaniya. Quota na rin ako sa panloloko sa kaniya.
"Sure," he respond. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. He's acting strange. Ang bait niya ngayon ah. Pakiramdam ko ako pa 'tong maldita.
Doon ko naman napansin ang kabuoan niya. His hair is well fixed, his dark blue tuxedo looks so good on him. His shoes, and everything on him is perfect. He looks so expensive, so as this luxurious car that he was drivin'.
Sana all.
"You look so fine." My heart took a sudden leap as he commended. I gulp, trying to cover up a smile plastering to my lips. I don't actually knows how to take a compliment.
"Fine lang?" I asked facing the window. Hey, I'm trying to be cool, you know?
"Honestly speaking, you're not really pretty. So you look just fine," aniya. Agad akong napatingin sa kaniya na may nakakalokong ngiti.
"Ang kapal ng mukha mo, ikaw lang nagsabi sa 'kin niyan!"
"Ako lang ba? Then you shouldn't forget me. The only guy who says you're not pretty," dagdag pa niya, ngayon ay malaki ang ngiti.
Siniringan ko lang siya at muling humarap sa iba, nangkukunwaring walang epekto sa akin ang anumang sabihin niya.
Hindi ko na rin namalayan na nasa venue na kami. Natanaw ko pa lang ang dami ng tao ay nauubos na ang energy ko. Para tuloy ayoko nang bumaba. Dito na lang ako.
Hindi ko tuloy namalayan na pinagbuksan na ako ni Ryo ng pinto. Sus, kunyari gentleman, nananakal naman.
"Uy, tara na!" aniya nang hindi pa rin ako bumaba. Oh 'di ba, lumalabas ang tunay ba color.
Kinuha ko ang kamay niya na nakalahad sa akin. Sabay kaming naglakad papasok ng venue.
"Ang lamig ng kamay mo, kadiri. Pasmado ka ba?!" tanong niya.
"Sapakin pa kita, bibig mo 'yong pasmado! Kinakabahan lang ako," rebat ko naman. Natawa naman siya. Totoong tawa, promise.
First time ko siyang makitang tumawa ng ganito.
O baka tumatawa naman talaga siya, hindi ko lang nakikita?
Eh bakit ba, Naomi?! Tumawa lang naman ah?! Ano ba'ng issue mo sa pagtawa ni Ryo?!
Oo nga. Wala.
Anuba!
"Huwag kang lutang ha," aniya. Hindi naman na ako sumagot at nagsimulang magmasid pagkapasok namin sa venue. Kagaya ng inaasahan ay hindi makapaniwala ang ilan na makita kaming nagkasama. Ang ilang at palihim pang kumuha ng litrato. Ang ilan naman ay nagbubulungan.
I hate the attentions. It makes me shivers. Sapakin ko kaya silang lahat? Ronda Rousey, gan'on.
I shook my head. Mababaliw na yata ako.
Masyado akong lutang. I just found myself sitting in a big round table, kasama si Ryo at ang mga kaibigan niya na alam kong kasama sa gang nila. Kasama rin ang kaniya-kaniyang date ng kaibigan niya.
They all look shock nang makita ako.
"Naomi, right?" tanong ng mestisong lalaki na may hikaw sa magkabilang tenga. Lagi ko rin siyang nakikitang kasama ni Ryo.
"Yeah, hi," I response.
"I'm Clint. So tell me, paano mo napapayag si Ryo na i-date ka tonight?" he asked.
My jaw literally dropped. He's too straightforward, pero hindi naman siya sigurado sa sinasabi niya. Masyado siyang confident sa kaibigan niya.
I saw how his date laugh. Hindi ko alam kung pinagti-tripan nila ako. Pero naiinis ako sa nangyayari.
Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Ang pangit naman kung saakin manggagaling na niyaya ako ng tinitingala niyang tropa.
"Maybe she blackmailed him. Or, ano 'yun, gayuma?" maarteng sabi ng date ni Clint na sobrang kapal ng makeup at sobrang revealing ng damit.
They all again laugh.
I looked at Ryo. He's silent yet I saw how his jaw clenched. I don't expect to hear anything from him.
"Shut up. I asked her."