I have no choice but to stay with Leonariz. Ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nasugatan. Isa pa, natanggal rin talaga ang bandaid sa ulo niya kaya kailangan ko rin 'yon na ayusin. He's my responsibility now] pero bukod don ay nag-aalala talaga ako at kinakabahan pa rin ako kahit na okay naman at walang nakitang hindi maganda sa mga test sa kaniya. Sa ngayon ay iniisip ko lang kung hinahanap na ba ako nila Sir Florence. Hindi ko rin kasi nadala ang cellphone ko. Wala talaga akong kahit anong gamit ngayon dahil nga sasaglit lang sana ako sa comfort room para mag-alis ng galit ko sa ginawa ni Kade. And then... unexpected things happened. Kung bakit ba kasi sinundan pa ako nitong si Leonariz. Hindi naman ako nagtataksil sa kapatid niya, naipaliwanag ko na rin naman 'yon. Napatingi

