Maybe I'm just thinking too much? Tama. Baka nag-iisip lang rin ako ng sobra kaya ganito. Nang mapatingin ako ulit sa kinalalagyan ng bulaklak ay napagdikit ko ng mariin ang mga labi ko. It's just a flower but it reminded me of someone. "Uhm, s-sige, Faye. Ingat ka na lang mamaya sa pag-uwi," pagbaling ko dito ay kinipkip ko na ang dalawang libro ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. "Ikaw rin, Ara! Thank you ulit! Ingat ka rin sa--" "Araaa!" Napalingon kami pareho ni Faye nang may humahangos na pumasok sa library. Hinihingal pa ito at sapu-sapo ang dibdib at ang mga mata ay namimilog habang nakatuon sa akin. "Sir Florence? Why?" He is the conductor of the univeristy choir group. Nakilala ko siya nang iinvite niya ako bilang pianist nila nang magperform ako 2 years ago sa founda

