"Are you okay, Ara?" Kasama ko si Lander ngayon at narito kami sa bahay. Dad invited him to have dinner with us. Pero kanina pa ako hindi mapakali dahil nga tatlong araw na diretso na akong nakakatanggap ng pulang mga rosas mula kay Leonariz. Box of roses, bouquet of red roses, iba-iba ang ayos pero lahat ay pulang mga rosas. That asshole. At sa bawat araw na lumipas ay mas nadaragdagan ang kaba ko. Napapalingon ako kahit saan ako magpunta. Kahit nga dito sa bahay dahil pakiramdam ko nakatingin sa akin ang mga mata niya. Ang bilis rin ng pagtibok ng puso ko at kinakabahan talaga ako. "I'm okay, why?" baling ko dito, inabot pa ako ng ilang segundo bago sumagot. Pero hindi naman kumbinsido si Lander dahil tumayo siya at lumapit sa akin. Iniangat niya ang kamay niya at inilapat 'yon sa l

