Arazella "Are you okay?" Napalingon ako kay Reiz nang marinig ang boses niya. Halos hindi ko narinig ang tanong dahil sa lakas ng kanta. We're here right now in Batangas to support Kuya Ariston in his race. Ngayon, pabalik kami ni Reiz sa pwesto namin dahil nagpasama siya na bumili ng tubig. Doon lang naman kami sa gilid, sa may malaking puno, medyo malayo sa maraming tao. Ang kuya ang nagsabi na dito kami at may lalake pa kanina na nagsabing kung may kailangan daw kami ni Reiz ay magsabi lang. What was his name? Orion? 'yon ata. Kilala naman ito ni Reizzan. "Yeah. Okay lang ako, medyo maingay lang," sagot ko at tipid na ngumiti. Siguro ay napansin niya na ilang beses nang nalulukot ang mukha ko sa ingay. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala dito, maingay, nakakabingi yung tugtog

