I looked at my wristwatch. Nasa tatlong oras na ata akong namamalagi dito sa villa ni Leonariz. Pagkatapos ko na magluto ng pancit canton niya ay inalalayan ko naman siyang umakyat sa silid niya at dahil bigla daw siyang nahilo, napakataas pa naman ng kwarto niya, sa third floor pa. And when I was about to leave when I saw that he's okay, nakapikit na noon ang mga mata niya, eh. Nagulat ako nang magsalita at sabihin naman na magluto daw ako ng hapunan niya. Sagot ko ay magpadeliver na lang siya kaso naalala ko nga pala na hindi siya basta-basta kumakain ng mga pagkain na hindi luto ng kilala niya. Pero hindi na ako nagreklamo at sinunod na lang ang gusto niya. Kaso syempre nainis ako dahil pakiramdam ko inaalipin naman na niya ata ako. Nang makatapos naman ako sa pagluluto ng ay umakya

