Kahit nang makauwi na ako ay ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at kahit na ipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang nadatnan ko kanina sa dressing room sa auditorium. "H-He knows I was there, standing." Yung klase ng tingin niya sa akin, ang talim ng mga mata niya ay ganoon pa rn nang magkatinginan kami sa loob ng audi. I thought he-he left. Baka kung sino-sino na ang nakamakeout niya kaya bigla siyang nawala? "At ano ang pakialam mo doon, Ara?" Bumagal ang paglalakad ko papasok sa bahay at napalunok ako. Napadiin rin ang kamay ko sa sintido ko nang parang may pumitik sa aking ulo. I couldn't believe I had witnessed a scene like that. At si Leonariz pa... Hindi ko rin gusto itong nararamdaman ko. There was a pang of pain, though I didn't

